nung una ko na meet ang parents ni hubby nasa quezon city ako nun with his tita's house.. close ko nun si tita and mga anak nya dahil ga nkakatxt ko na sila dati pa. si mama close ko na din tru txt and tawag..kasi nga diba TEXTMATE lang naman kami ni hubby..dun kami ngkakilala..kaya ginawa nya din na txtmate ko family nya..
nung namatay lolo nya (2008) dun ako una nakapunta sa probinsya nila.. sa MARINDUQUE.. dun ko nakilala ang angkan nila.. na meet ko na papunta palang dun ang kalahati ng family nya sa father side dahil sabay sabay kami bumyahe nun.. xmpre nkakailang.. nkaka tense pag tinitingnan nila ko.. nakakahiya.. basta lahat lahat..
nung nsa marinduque na dun ko na nakilala iba nya kapatid.. at xmpre iba pang kamag anak.. well tulad ng tips ko kung pano magustuhan ng pamilya ni bf.. yun na yun ang ginawa ko.. wala ako inaral or wat dahil lahat ata yun natural ko. hihi.. besides close ko naman pamilya ni hubby sa txt plang.. mas naging close pa kami..
kakatuwa mga tao sa probinsiya pala.. feeling ko nung mga panahon na yun e ang ganda ganda ko at mayaman ako haha.. kasi sa probinsya pala (ewan ko kung sa kanila lang) pinupuntahan ka sa bahay pag dayo ka.. pinupuntahan para makita at makilala ko.. teto ang senaryo lagi..
sila: ~~aba e kasama daw ni edmar dito ang katipan nya na taga cavite.. nasaan baga at ng makita.. Ako naman xmpre pa demure kakahiya kasi para ako artista, lahat nlang gustong makita kagandahan ko.haha tas pag nakita ako babanat ng "ay ang ganda pala ng kabitenyang ito." meron pang "ay kagandang bata" nyahahha ngayon nyo sabihin na mali ako sa feeling ko haha! ayun na nga.. tas syempre nkakabagot dun sa lamay ni lolo natulong ako sa pag assist sa bisita sa paghanda ng pagkain.. lahat tuloy tinatanong ako. e d ayun n nga nakilala na ako ng sambayanang barangay nila..
then pag wala sa lamay andun lang kami sa bahay nakita ako one time ng isang kapitbahay na nagwawalis.. sabihin ba naman "naku ineng wag ka magwalis at mapapagod ka.. "
nakita ako naghugas ng plato "naku ineng ikaw ba ay sanay sa gawaing bahay" waaaaaaaaaaaaaahhhh grabe di naman ako galing sa mayaman na pamilya.. mahirap lang kami at sanay ako sa hirap.. pero grabe nila ako tratuhin..
meron pa na yung nahuli nilang (kapitbahay o kamag anak)-- isda hipon o alimasag e dadalhin sa bahay tas sasabihin "eto o para sa katipan ni utoy" hahah feeling reyna talaga me :)
tas nagkaroon ako ng time na makakwentuhan mga tita nya.. pinakwento ang love story nmin ni hubby e di kwento naman ako.. sila nmn kinikilig..e di lalo na ako haha! tas yun sabi nila sarap ko daw kausap..
tas ang mga tito nya naman pinasali ako sa umpukan nila.. e di ako kahit nahihiya gora padin.. kahiya naman kung mag iinarte pa ako.. nag iinuman sila.. kasama syempre si hubby.. pinatagay ba naman ako.. waaaaaaaaaaaahh xmpre nung una ayoko.. kasi d nmn tlga ako nainom.. tas inalok ulit ako naku pikit mata kong ininom.. tawanan sila tas ayun kwentuhan tas pinakanta pa ako sa videoke xmpre di ko tinanggihan yun..grab the opprtunity na tlga ko nun kasi nakanta naman talaga ako (hahah di ko po sinsabi na maganda boses ko--sabi ko po nakanta lang tlga) hihih tuwang tuwa lalo sila.. hanggang sa sigawan pa ng more! more! e di sige padin ako.. more daw e ahahha.. magnda daw boses ko.. nyahahha gara! hanggang sa balita n naman ako sa iba dahil magnda daw boses ko. waaahh paulit ulit hahah..
ayun.. simula nun at ease na ako sa kanila.. meron lang xa iang kamag anak na xmpre ilag ako.. para kasing nkakatakot pero over all masaya naman kasi nga tanggap nila ako. masaya din para sakin nun si mama (biyenan) kasi nga xa daw e di tanggap ng pamilya ni papa.. hanggang ngayon.. xmpre higit sa lahat mas masaya si hubby na BF ko plang nun hehe..
sa ngayon ok ako sa pamilya nya.. kaya natutuwa ako.. kasi swerte ako sa buhay may pamilya ko.. bait talaga ni lord dahil ganito ang binigay nya sakin buhay.. buhay na taliwas sa nakalikahan ko na hiwalay o di buong pamilya