Nagpunta kami sa Roppongi ilang linggo na ang nakakaraan . May event kasing naganap don , isa pa may Flower viewing rin naman sa tabi ng Roppongi Hills , kaya chance na naming ienjoy ang hanami o ang pagtingin sa Sakura o cherry blossoms .
Sa event na yon , maraming pagkaing tinda ... May mga show din ..May isang nakapukaw ng aking atensyon , yun ang HAIR TATTOO na ang design ay SAKURA or cherry blossoms sa English . Maraming nakapila , syempre nakipila din ako para ayusin ang aking buhok at spray -an ng may kulay White at pink , may nakahanda ng figure o hugis ng bulaklak na nakaukit na sa isang plastic folder .
Yun ang design na ilalagay sa aking buhok , temporary lang ang hair tattoo na yon , konting basa lang kahit wala ng gagamiting shampoo matatanggal agad ang hair coloured spray . First time kong nagpalagay at nagpakikay nung araw na yon hehehe , na enjoy ko , kasi cute na at napakamura pa , nagkakahalaga lang ito ng ¥500 .
Ito nga pala yung picture , cute ng Sakura design sa buhok ko di ba ? ☆〜(ゝ。∂ )