Hindi ako sweet, minsan lang!

Posted on at


HINDI AKO SWEET, MINSAN LANG!

Yang nakikita nyo sa taas, una't huli ko yan ginawa. Yung magpost tungkol sa boyfriend, lalo na yung pagsabi ng "iloveyou" sa Social Net Sites. Gaya nga ng sabi ko, hindi ako sweet, minsan lang! Di kasi ako masyado showy. Di ako proud? Syempre proud. Di nga lang ako maingay sa facebook account ko tungkol sa buhay pag-ibig. Actually, kami pala. Di mo kami makikitaan na nag-uusap sa facebook comments na may mga kasweetan. Sa personal, ayun, para lang kaming magkaibigan nyan pero halos lahat dito alam na magkasintahan kami. Pati nga mga kaklase ko eh. Baliw kasi kaibigan ko. Ang daldal. haha Hanga daw kasi sila sa pinagsamahan namin. Eh?

Gusto mo malaman kwento namin na forbidden love?  Ito oh! Iclick mo to-- ITO ITO ITO. haha. Pero kung ayaw mo naman, di naman kita pinipilit. Medyo mahaba kasi yun eh kaya alam ko tatamarin ka. Haha. Pinost ko lang yun para may remembrance ako dito.

Yung tungkol naman sa video, nabasa/napanuod mo na ba yun? Ito yung link oh -- IYON IYON IYON.

Haay. Nakakamis yung pakiramdam na may boyfriend sa tabi. Tsk. Pag-ibig na walang kasiguraduhan. Bata pa kami at marami pa pwede mangyari.

P.S: Di ako sweet. Ayoko nga yung may mga sweet proposal sa harap ng tao eh. Weird? (Hindi to sarcastic)

P.P.S Dito lang talaga ako nakakapagsabi tungkol sa buhay pag-ibig ko. Wag na palag. haha

P.P.P.S Salamat sa may pake!



About the author

PinkCat

Choose to be happy! ^___^

Subscribe 0
160