His Mindset

Posted on at


Having a family is not a joke. It is indeed a big responsibility once you are into it. And once you've become a parent, there's no turning back. Unless you are that IRRESPONSIBLE. That's why, in our case, hubby and I are trying out our very best to become that responsible even if it's very hard.

In our case, it is very hard maybe as settling down was unplanned. Meaning, we entered marriage life at an early age. Curiosity is the best teacher! Lol That's why. But hey, even though that thing had happened (siguro alam niyo na kung ano nangyari), we did not give up. 

Oo, may mga times talaga na pareho kaming nahihirapan (nosebleed na ako, kaya Tagalog nalang ulit...mehehe)...pero pilit namin kinakaya. Kaya minsan di niyo ako mahagilap dito sa bitlandia. Kasi mas pina-priorotize ko na magamit ni hubby yung PC para sa small time business na kanyang sinisimulan.

Kasama ang kuya ko na mahilig din sa computer at pagdedesign ng t-shirts, eh kahit papano may nangyayari naman. Pakonti ng pakonti may mga umu-order, at ang nasa isip talaga niya - MAS MAGANDA MAGKAROON NG NEGOSYO kesa manatiling empleyado.

 

Mahirap sa simula at mahirap maghanap ng negosyo na papatok sa masa...pero naniniwala siya na mas mabuti ng subukan niya kesa naman pagsisihan niya. Wala kasi siyang balak mag-abroad, kasi para sa kanya: "Kung kaya naman kumita dito sa Pinas, bakit ko pa kelangan mag-abroad? Oo malaki nga ang sahod, PERO DI MATATAWARAN ANG ARAW NA DI KO MAKIKITANG LUMAKI ANG ANAK KO! Malaki nga ang sahod ko, pero kung sa pag-uwi ko di na ako kilala ng anak ko. Pera lang naman yan, ang ORAS once lumipas na, di mo na maibabalik pa."

Madrama na ba guys? mehehe, gusto ko lang kasi ishare kung gaano ka-drama si hubby. Wahahaha ^_^ Pinoy nga naman...pero may point din naman siya. At ito ang pinaka-tumatak sakin na sinabi niya: "Ang karaniwang mindset ng Pinoy pag pinag-aral ang anak: Nak, mag-aral kang mabuti...mas maganda kung matataas ang grades mo para pag naka-graduate ka, makakahanap ka ng magandang trabaho or position sa isang kompanya." Malaking MALI!

Dapat ganito daw: "Nak, mag-aral kang mabuti ha, okay lang kahit di ikaw ang pinakamatalino sa klase, at pagka-graduate mo tuturuan kita kung paano imamanage ang negosyo or paano ka magsisimula ng sarili mong negosyo." Oh ha, matindi! 

Well, kanya-kanya naman tayo ng paniniwala sa buhay. Siyempre iba-iba din ang mga priorities natin. Ang importante, marunong tayo sumubok, makipagsapalaran at tumugon sa hamon ng buhay. Bow! ^_^

 


TAGS:


About the author

160