I'm so sorry to my bitlanders friends!
Hindi po ako makafocus sa daily routine ko since last night (October 10) due to my missing 3-month-old cat.
Until now, lumipas na ang higit 12 hours... hindi ko siya makita or nakita. It could be umalis siya kasi ayaw na nya kami/ako mahirapan or mag-alala pa dahil sa sakit nya.I think more than 3 weeks na rin siyang may sakit (diarrhea) and wala man lang ako nagawa para ipacheck-up siya sa vet. Wala naman din akong pagpacheck-up sa kanya at wala ring malapit na pet clinic dito sa amin.
(Photo above was taken last month. Wala pa siyang sakit dyan. Dyan siya sa sofa nahihiga. Feeling nya higaan nya.)
Hindi mo masasabi na pusa lang siya kasi... sa amin part na siya ng family. May 9 cats kaming inaalagaan at kasama na siya doon. Kawalan ng isa, malaking epekto na yun sa akin lalong-lalo na parang ako yung naging INA nila.
Isipin nyo na na weird ako pero weakness ko talaga yung ganito. Mawalan or mamatayan ng isang alaga.
Hanggang ngayon, sumasagi parin sa isip ko. "Nasaan na kaya siya?" "May nakakuha kaya sa kanya?" "Kumain at uminom na kaya siya?" "Patay na kaya siya?" "Baka nilalamig na yun kasi naulanan siya"
Mas matatanggap ko pa ata na makita ko siyang namatay sa sakit nya atleast alam ko... kesa yung umalis nalang siya parang bula. Tapos wala man lang nag-aalaga sa kanya.
Alam ko naman, may hangganan 'tong pag-iyak ko. Kung nasan ka man, mamimiss ka namin Sora!!!