Sinipa niya ang pinto papasok ng bahay. Hawak ang patalim, inisip niya kung sino ang uunahin. Ang lalaking may bitbit ng mamahaling kasangkapan, ang nasa kanan na hawak ang buhok ng kanyang asawa habang sinisipa ito sa tyan o ang lalaking hayok na nagpapasasa sa kanyang dalagitang anak.
Iwinasiwas niya ang patalim sa kalituhan. Ramdam niya ang pagtalsik ng dugo. Ang tinis ng sigawan. Ang nakabibinging pagmamakaawa.
Pumikit siya at bumalik sa katotohan. Huli na ang lahat sa pagsisi.
Nagbalik sa kanyang isip ang imaheng binuo ng delusyon. Ang ginawa niyang karahasan sa sariling pamilya.