Ingles o Numero?

Posted on at


Inaamin ko, mahina ako sa wikang Ingles. Sa eskwelahan, ayaw na ayaw ko ang pagsusulat ng mga sanaysay lalo na pag isasalin ito sa salitang Ingles. Nahihirapan kasi akong ipaliwanag ang isang bagay pag isinasalin na ito sa salitang Ingles.

Sabi nila, harapin mo kung ano ang iyong kahinaan. Kung mahina ka sa math, pag-aralan mo at makukuha mo rin. Mahal ko ang asignaturang matematika. Mas gusto kong mag-kuwenta ng mga numero kaysa sumulat ng mga sanaysay. Sabi nila, pag magaling ka sa numero ay mahina ka sa salitang Ingles. Pero, may iba na maswerte. Magaling na nga sa numero, magaling pa sa salitang Ingles. Hanep! Nakakainggit! Nung nakaraang taon, sumali ako sa isang blogging site para mahasa ang aking sarili sa pagsasalita ng Ingles. Okay naman ang nagiging resulta.. May mas alam na ako kaysa sa dati. Laking tulong din ang pagbabasa ng english articles.Nagpapasalamat talaga ko sa site na yun.

Walang tiwala sa sarili at takot magkamali-- yan ang mga dahilan kung bakit ayoko sa pagsasalita ng Ingles. Takot kasi ako noon na magkamali at pagtawanan ng mga tao sapagkat mali ang aking grammar. Pero ngayon, wala na kong pakielam sa sasabhin nila :P

~Ang imahe ng blog na ito ay mula sa Pixabay, libreng gamitin.

 


About the author

PinkCat

Choose to be happy! ^___^

Subscribe 0
160