Janella Salvador on her "suplada image" in Be Careful With My Heart: “Noong una, inaaway ako ng fans, parang gusto akong ibato sa pader, parang ganoon. Pero ngayon, natutuwa na sila.”
Life-changing experience para kay Janella Salvador ang one-year stint niya sa toprating ABS-CBN daytime series na Be Careful With My Heart. Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janella, sa dressing room ng Zirkoh Bar bago mag-umpisa ang show ni Richard Yap, ang Heart And Songs With Sir Chief. Masayang-masaya si Janella sa naging tagumpay ng show nila.
“Yeah, super happy!” bulalas niya.
“Actually, a year ago, hindi ko talaga in-expect na magtse-change yung buhay ko nang ganito.
“Talagang different, it’s different!
“And pag nasa labas ako, ‘Nikki! Oh, my gee!’ mga ganoon, so, sobrang happy!
” Nikki ang pangalan ng karakter ni Janella sa show. Dahil sa kaabalahan niya sa show, hindi na nakuhang mag-aral sa isang regular school ni Janella.
“Yes, actually, yung sked ko, medyo punung-puno na siya. “Nagho-home school ako, I study on the side. I’m in high school now—second year.”