Hulog ng langit.
Boy: Minsan, umakyat ako sa
bubong.Tapos nadulas ako at nahulog sa
lupa.. At dun na nagsimula ang salitang.
"HULOG NG LANGIT."
Girl: Ang tanga naman ng langit.
NAGHULOG NG PANGIT!
:*:*:*:*:*:*:*:*:*:*:*:*:*:*:*:*:*:*:*:*:*:
Palusot.com
Juan: grabe pala ang yaman ng mga marcos
noh?
Pedro: pasalamat sila sa akin!
Juan: at bakit naman?
Pedro: aaminin ko na sa'yo pre, ako talaga
ang nakahanap ng MAMA SITA'S TREASURE
na kinuha nila sa akin nung panahon ng
martial law.
Juan: hah?..yung pangsahog sa kare-kare?
Pedro: tanga!..yung mga ginto at higanteng
golden buddha. Mahina ka talaga sa history!
Juan: tanga ka din!..di ba YAMASHITA'S
TREASURE yun?
Pedro: ahhh...yun nga!..pinalitan ko lang para
sikretong malupit!
hahaaha palusot XD
:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:
Isang araw, patakbong umuwi sa kanilang
bahay ang umiiyak na bata at nagsumbong
ito sa kanyang mga magulang.
Anak : Nay!!! Tay!!! Sabi daw po ng mga
kalaro ko na ang pamilya daw natin ay
malalaki ang bunganga! Huhuhu…
Nanay : Huwag kang maniwala sa kanila
anak….. hayaan mo na lang sila.
Anak : Totoo po ba ‘yon, Tay?
Tatay : Huwag mo na lang silang pansinin,
anak. Hala sige….kunin mo nga ‘yung pala
at kakain na tayo!
Whhahaha tawa much XD