Kalerki Si Manong Lasing

Posted on at


Naaalala nyo ba yong MBs ko noon na nakalagay dun ang mga kakatuwang experiences ko sa pagsakay sa jeep? Well, nakakatuwa ang mga yon at cool talaga. Pero yung experience ko kahapon ay medyo kakaba-kaba.

Yesterday, kahit di ko feel ang pumunta ng town ay napilitan ako dahil kailangang samahan si mudra sa pamimili. Ang plano ko ay manahimik sa house at mag-bit lang after ng tutorial ko, pero walang magagawa pag inutusan tayo ng ating mga mudra, di ba?

Mga bandang 6pm na kami nakauwi, at sa aming pagsakay ng jeep ay may "lasheng" kaming nakasakay. Oh well, dati naman eh natatawa lang ako sa mga nakakasakay na lasing, kung ano-ano pinagsasabi, mapapatawa ka sa mga pinagsasasabi nila. Pero kahapon, aba, medyo nalerki ako. Hawak-hawak pa ni Manong Lasing yung bottle ng Red Horse na may laman pa, at doon ay minsan-minsan nyang tinutungga. Ayun, pagkaupo ko pa lang ay narinig ko na ang mga chika nya. Napatingin lang ako sandali sa kanya, at nakatitig xa sa akin habang chumichika.

Ang topic nya ay ang pagkamatay ng 44 na SAF, nabanggit nya pa ang mga tungkol kay Pres. Pinoy at kay Kris Aquino. Di na ako ulit tumingin sa kanya, pero nagulat ako sa ibinulong sa akin ni mudra " Huwag kang titingin sa kanya, sayo sya nakatingin". Ewan ko, pero napasilip naman ako sa kanya, dahil nagulat ako sa sinabi ni mudra, mga 2 seconds akong tumingin sa kanya, at naku, sa akin talaga sya nakatitig habang nagchichichika tungkol sa mga SAF. That time, nakaramdam na ako ng konting kaba. Kasi naman parang may kinalaman naman ako sa mga pinagsasabi nya??? Tinitingnan na din ako ng ibang nakasakay dahil dun, at yung iba ay natatawa ba naman. Huhu.

Mga 10mins na ganun ang eksena (kasama na ang traffic moments). Buti na lang umabot na kami sa aming bahay at nakababa na.

Natatawa si mudra pagbaba namin, at ako ay naalisan na ng kaba at napatawa na din.



About the author

Lonie

I am a music lover... a woman who thanks God every second of my life for His unconditional love.

Subscribe 0
160