Alamat ng kamatis
Noong unang panahon sa isang malayong bayan, ay may isang babae na
masasabing walang suwerte sa buhay. Siya ay si Kamalia. May asawa't
mga anak si Kamalia ngunit siya'y nagtiis ng katakut-takot na hirap.
Marami bisyo ang asawa ni Kamalia. Bukod sa hindi na siya nabibigyan ng
pera ay sinasaktan pang madalas.
Dahil sa halos walatng ibili ng pagkain, naisipan ni Kamalia na pumasok na
labandera sa kalapit bahay. Nagtiis siyang maglaba sa buong Maghapon.
Hindi niya maatim na makitang ang kanyang mga anak ay nag-iiyakan sa gutom.
Nang malaman ng kanyang asawa ang paglala-bandera niya ay palaging
kinukuhaang kinikita niya. Yao'y inuubos lamang sa alak at sugal. Pag hindi
naman niya ibinibigay ay sinasaktan siya.
May mga kapitbahay na naaawa kay Kamalia. Madalas ay binibigyan ang
mag-iina ng pagkain at mga lumang damit.
Gayon na lamang ang galit ng asawa ni Kamalia nang mabatid ang tungkol
sa pagbibigay-tulong. Kundangan'y ayaw nitong tatanggap ang asawa't mga
anak ng anumang tulong sa mga kapitbahay.
Pinagsabihan si Kamalia na pag tumanggap pa ng mga bigay ng kanilang
kapitbahay ay siguradong masasaktan siya.
Bunga niyon, hindi na binigyan si Kamalia ng kahit na anong tulong ng mga
mababait niyang kapitbahay. Ayaw nilang masaktan pa ang kaawa-awang
babae. Nahabag ang panganay na anak ni Kamalia sa kanya, Kaya napilitang
magtrabaho ito. Paglilinis ng sapatos doon sa bayan ang kanyang hinarap.
Nang matuklasan ama na kumikita ang anak sa paglilimpiyabota, katulad ng
ginawa sa kanyang ina ay kinuha rin niya ang kinikita. At gaya ng dapat-asahan,
inuubos din sa sugal at alak. Sa gayon, madalas na hindi kumakain ang mag—iina.
Dahil sa patung-patong na kahirapan at labis na panghihina dala ng kakulangan
sa sustansiyang kailangan ng katawan, nagkasakit si Kamalia. Hindi nag tagal
ay namatay siya. Bago nalagutan ng hininga ang kahabag-habag na may
nasabi sa mga anak.
Ang bangkay ni Kamalia ay inilibing sa likuran ng kanilang bahay. Hindi nagtagal,
may tumubo roon isang halamang ang bunga'y mapupula. Nagtaka ang lahat sa
nasabing halaman, At nang kanilang subuking tikman ang bunga ay nasarapan sila.
Dumami ng dumami ang nasabing halaman. Ang bunga niyon ay naipagbibili ng
magkakapatid sa mga tagabayan. At bumuti nga ang kanilang buhay, katulad ng
sinabi ng kanilang ina bago ito namayapa. Nagkatotoo rin na nagbago ang ugali
ng kanilang ama. Nagsisi ito sa mga nagawang pagkukulang. Minahal na niyang
mabuti ang mga anak.
Ang halamang nagbigay ng bagong buhay sa mga anak ni Kamalia ay tinawag
na Kamatis. Ito'y kuha sa pangalan ni Kamalia at sa kanyang pagtitiis sa
buhay - Kamalia...pagtitiis. At magmula noon, ang Kamatis ay nakilala bilang
isang masarap na pagkain at pampalasa sa ulam.
◕‿◕