Katangian ng Washoku o traditional Japanese Cuisine

Posted on at


May apat na katangiang taglay ang washoku as cultural heritage.

Una,  ang paggamit ng sariwang sangkap at ang natural nitong mga lasa.

Pangalawa,  ang well-balanced at healthy diet.

Pangatlo,   ang paggalang sa kalikasan na makikita sa presentasyon nito.

At ang huli ay ang koneksyon nito sa taunang kaganapan sa pamamagitan ng paggamit ng tradisyonal na kaalaman at kaugalian na malapit sa kalikasan.

Bukod sa mga katangiang ito ,binubuo rin ito ng tatlong pangunahing elemento ang WASHOKU:  Ang lutong kanin ( gohan ) na nagsisilbing staple food, soup, side dishes at japanese pickles. Ito ay karaniwang tinatawag na " ICHIJU-SANSAI " ( a bowl of soup and three side dishes ). Dahil palagi naman kabilang ang lutong kanin at Japanese pickles , hindi na ito sinama sa terminolohiya.

 

Inaasahan na ang pagkakabilang ng Washoku sa prestigious o prestihiyosong listahan ay magiging daan upang Ito ay mas makilala at kalaunan ay ituring na global food,  makadagdag sa interes ng mga Hapon, at sa Japanese rice bilang pundasyon ng Japanese dietary cuisine.( ito ay ayon sa ulat na napanood ko sa telebisyon ).



About the author

160