Kanta muna tayo mga kabits: “Sharam daram…kapag tumibok ang pusoN…” Ay kaloka. Bakit puson ang tumibok? Hahaha. Sorry nemen. Old school kasi ng kantang yan kaya hindi ko alam ang lyrics. Hindi ko kasi naabutan yan. Chos! Joke lang, naalala ko yan. Pero mas panahon yan ng mom ko kaysa panahon ko.
Ang nanay ko kasi feeling bata kaya parati nyang sinasabi sa mga tao na lumaki siya nung 80’s. Dalaga daw siya nung 80’s eh sinong niloko nya… 80’s kaya kami ng brother ko pinanganak at sigurado akong hindi na siya dalaga nun. Haha. Bagets daw siya. Eh sa pag-gamit pa lang ng term na “Bagets” huling huli na eh.
Teka, paano ba napunta sa usapang 80’s ang blog na ito? Naloka nanaman si g2. Ay naku. Anyway, gusto ko lang i-announce na kumpleto na ulit ang programs ko for making my etchoses. Namention ko kasi sa isang blog ko na photoscape pa lang na da-download ko nung time na yun.
Well, ngayon kumpleto na ulit. Meron na ulit akong photoscape, paint.net at windows movie maker. Patok na ulit ang pag-gawa ng pictures at videos. Bonggels. Sosyal na ulit ang profile ko. Oh sya. Gagawa na ako ng etchoses ko. Babelch!