Dito rin sa Japan , ay may mga aktibidad na ginagawa ang mga PILIPINO kung saan sila ay nakikitang grupu- grupo o di kaya ay medyo maramihan .
1 . MISA TUWING LINGGO ( sabado para sa ibang relihiyon ) Sikat na simbahan dito ay YOTSUYA ( St. Ignatius Church ) , St. Francis church sa ROPPONGI at St . Anselmo sa MEGURO .
2 . CHRISTMAS PARTY at FOOD BAZAR sa mga lokal na simbahan
3 . FUND RAISING ACTIVITIES ng mga Filipino groups at maging PHILIPPINE EMBASSY , Tulad ng BARRIO FIESTA na taun taon ginaganap . Dinadagsa ito ng maraming Pilipino .
4. BEAUTY PAGEANTS , SINGING AT TALENT CONTESTS .
5 . BUS TOURS NG MGA PILIPINO GROUPS , mura na masaya pa ! Hindi mo na kailangang gumastos ng pagkamahal
hindi tulad ng mga tours na naka advertise sa mga sikat na travel agencies . Maganda pa dahil puro Pilipino at hindi mo kailangang maging napakatahimik at talagang mararamdaman mo ang FILIPINO HOSPITALITY na ibang iba sa kulturang Hapon . Mapa onsen o pagpunta sa hot springs man, o mga flower parks , zoo , factories , museums at theme parks .
Lahat ito ay dinudumog ng mga Pilipino .