"Ang ganda naman ng buhok mo!" ~yan ang puring natatanggap ko. Sana sa susunod "Ang ganda mo naman!." haha jk lang :D
Ako yung babaeng hindi palamake-up pero magastos pag buhok ang usapan. May hair stylist ako kaya kung ano irekomenda nya sakin, gora lang. Siya talaga nag-aalaga ng buhok ko. (Make-up artist din sya ng mga artista. Oha! Sosyalera) Oops.! Mura lang service nya sakin ah. Malakas eh! lol
Gusto ko lang ibahagi yung mga ginagamit kong pangpalande. Lol. Whatta word. Ito yung Kung bakit ang ganda daw ng buhok ko
Medyo madami diba? Alternate ko yan ginagamit. Depende sa trip. :D Yan yung ginagamit ko pagkatapos kong magshampoo.
Dongba Hair Mask ~ ito yung ginagamit ko pag nasa bahay lang ako. Ito kasi yung pinakamura sa kanilang lahat eh.:D Okay siya! Malambot sa buhok. Nakakatulong lang to para tumagal yung pagkakarebond.. P200 yan. :)
Verdon ~ alam ko yung iba sa inyo familiar to. Iniindorse kasi to ng ibang artista sa instagram eh. :D Maganda to. Silky kaso medyo kamahalan. Nung binili ko to nakapromo daw. 3 for P1,500. So P500 isa. Ewan ko lang kung magkano sa iba.
Clareal ~ ito the best talaga to. Pag blonde yung buhok mo mas makikita yung best result. Nagpakulay kasi ako ng medium brown (Click the link! Di ako yan ah) at pag ginagamit ko to, malambot, shiny, bagsak na straight ang buhok ko lalo na't pag nasisikatan ng araw. Dito lagi napupuri yung buhok ko. Makintab kasi eh. Ito din yung dahilan kung bakit nakuha I.D ko sa school. Haha bawal kasi may kulay e kaso makulit ako kaya pinakulayan ko nalang ng brown. Yung parang natural lang.(Makulit talaga). Pag ginamit yung clareal na yan, mas maganda. :) Kaso, kung the best to, expect the price din. haha Yung picture sa kanan, P2, 000 yan isang set..
Shining ~ kung napapansin nyo, unti lang yung bawas. :D Ayoko kasi nyan kasi mainit sa buhok. Ang oily kasi. Pero kung de aircon senyo, maganda yan. Mas lalong nakakashine ng buhok yan. :)
Clareal Keratin and Hair Professional Paris ~ di ko alam to. Kay mama kasi to eh. Haha
P.S Syempre hiyangan lang yan. Kung para sakin maganda, maaring sayo hindi. :) Try nyo din para makita nyo result. :D
P.P.S Hindi ako nagbebenta ah. :D