Kahapon naaliw ako sa variety show na napanood ko. Magbibigay ng reward na limang lapad ( ¥50000 ).
Nasa labas ang isang host para maghanap ng iinterview-hing isang haligi ng tahanan.. Oo, tama ang nabasa mo , Tatay , Ama, Daddy , Otosan , Papa and target ng show .
Ang topic o agenda ng palaro ay patatawagin ng staff o host ng show ang Lalaki sa kanyang asawa by phone/ cellphone . Then , kailangan na masabi ng MISIS ang salitang I LOVE YOU, o sa hapon ay AISHITERU sa kanyang mister, pag nasabi ito , mananalo si MISTER ng LIMANG LAPAD ( ¥50000 ).. Bawal sabihin ni mister na sabihin ni misis nya ang AISHITERU o i love you .. Bawal din sabihin ni mister banggitin ang aishiteru sa misis nya kasi tiyak sasagot yon syempre .
Yung isang mister , sinagot sya ng misis nya na " bakit ka natawag ng ganitong oras , mamaya ka na tumawag , busy ako " hahaha ... Ngekk !! Talo sya !....... NEXT , nilambing kasi sya sa phone in mister , Sagot ni misis , " nakakakilabot ka , anong nakain mo, lasing ka ba ?" Nyahahaha ! Hindi pa rin masabi and katagang AISHITERU eh ... Gustong gusto syempre ni mister na magka limang lapad ... Then yung isang target na mister , sinagot naman sya na DAISUKIYO o meaning gusto kita , sabi ni mister , wala bang ibang salita bukod dyan ? Natawa si misis , at ang sagot nya ay ANG KULIT MO! yung lang daw masasabi nya... TOINKS na naman!!
Nakailang target din ang host , pero syempre may nanalo , isang padre de pamilya na edad ay 40 ...ilang minuto lang ay nasabihan sya ng asawa nya ng AISHITERU .. Maboladas si mister kay misis , sinabihan nya na may pasalubong sya Kay misis pag uwi nya daw , AYUN ! natuwa si misis at sinabihan sya ng AISHITERU !!!!Talon sya nga talon sa tuwa eh, hindi sa sinabihan sya ng I LOVE YOU o AISHITERU kaya sya natuwa , kundi natuwa sya kasi may ¥50000 ( limang lapad ) syang premyo ! (^_^)☆
Super naaliw ako sa programang ito .. Gusto ko pa sanang ikwento yung ibang sagot ng ilang misis na sobrang nakapagpatawa sa akin habang nanonood ako TV . Kaso hahaba na kasi , tiyak tatamarin kayong magbasa pag mahaba ang blog hehehe , kaya pinaiksi ko kwento hehehe .