LECHE FLAN ala Riza ♥♥♥

Posted on at


Leche flan is one of the most loved dessert I always love to eat during special occasions. Pag yan nakita ko sa hapag, naku huwag na magtaka. HAHA ^_^ Ang hilig hilig ko hanapin yan pag may birthday or fiesta dati. Kasi naman ang sarap. Di ko alam dati ang lakas maka-cholesterol. Pero dahil fave ko siya at dahil ayoko ng maghintay ng another birthday or fiesta or makagala man lang sa mall bago makakain niyan, eh naisipan kong pag-aralan siyang lutuin.

Last year naging masipag akong aralin siya ng bongga. As in inaral ko talaga dahil di pala siya ganun kadali gawin lalo na kung gusto mo siyang ibenta. Unang una, dahil fave ko at gusto ko pagkakitaan, siyempre nag-attempt akong gumawa ng sarili kong recipe. Oh ha! Di ko na maalala kung ilang beses akong nagpractice makuha ko lang ang the best taste ever. Di ko alam kung ilang itlog at gatas ang nasayang every time palpak yung niluluto ko. Pero worth it naman once malaman mo yung technique, makuha mo ang tamang lasa and of course magustuhan ng mga pinagbentahan mo yung niluto mo. Diba?

Gusto niyo malaman recipe ko? Hehe, magpractice din kayo. lels :3

Gusto ko sana ishare kaso mapapahaba na to. Di ako sanay gumawa ng mahabang blogs, natatamad ako, lalo na magbasa. Haha...kaya next time nalang pag ginanahan ulit. ^_^

 



About the author

160