Maraming paraan upang panatilihing malusog ang utak upang maiwasan ang pagiging malilimutin.
Narito ang ilang mga gawain para mapanatilihing matalas ang utak natin:
1) Mental Exercise ~ nakakatulong ang mga gawain kung saan nahahamon ang utak na lalong mag isip. Magbasa ng mga may kalidad na babasahin tulad ng nobela o magazine, magbuo ng puzzles, sumagot ng crossword puzzles, mag drawing at dumiskubre ng gawain na hindi mo pa nasusubukan.
2) Physical exercise ~ mag ehersisyo, kahit na paglalakad ng ilang minuto ay malaki na ang maitutulong sa ating utak.. Nakatatanggal ng stress ang pag- eehersisyo. Sa narinig ko na ni inulat ng isang doctor habang nanonood ako ng telebisyon,naiiwas din ng pag eehersisyo ang katawan sa mga sakit tulad ng high blood pressure, obesity at diabetes.
3)Eating good food~ kumain ng masusustansyang pagkain partikular na nag mga gulay.. Mainam na uminom vitamins na mainam sa utak tulad ng vitamin B, B6,B12 at folic acid.Iwasan ang ma cholesterol na pagkain.
4)Social activities ~ maging social active..Ang mga taong palakaibigan at palakwento ay karaniwang hindi nagkaka sakit NG ALZHEIMER's kaysa sa mga taong laging mag iisa at tahimik.
5)Protect your head ~ protektahan ang utak na magkaroon ng traumatic head injuries dahil alam kong narinig nyo na rin na madali itong tamaan ng Alzheimer's at iba pang sakit SA utak. Gumamit ng protective gear lalo na SA nagmomotorsiklo, nagbibisikleta o sumasakay ng kabayo.
6) Avoid vices ~ iwasan ang paninigarilyo , sobrang pag inom ng alak at pag gamit ng ipinagbabawal na gamot.
7) Take a break ~ Huwag nating pagurin masyado ang ating utak. Gamitin ang breaktime o kaya magpahinga at sumaglit sa pag idlip.
Yan lamang po ang maibabahagi kong payo. Sana nakatulong ako kahit konti (^_−)−☆