Limang Taon na Nakalipas at Muli Nanaman Kaming Nabuo

Posted on at


Kakauwi ko lang galing sa Christmas Party kasama mga kaklase ko nung High School. Grabe! Akala ko mga nasa sampo lang yung pupunta kasi sabi dun sa text, mga nasa sampo lang sila. Pero nagulat ako na halos lahat pala nandun, unti lang wala. Actually,di naman talaga ako sasama dapat eh! Kasi unang-una, wala akong close dun. Hindi kasi aattend yung bestfriend ko. At pangalawa, baka mag-inuman lang sila. Edi lalo akong maa-out of place kasi hindi naman ako umiinom. Pumunta lang ako kasi sabi nung kaibigan kong may kotse na ngayon (sosyal), susunduuin nya ko sa bahay. Hindi kasi sya papayagan pag di ako kasama. Kahit nga pag-uwi, sabi ng mama nya, sabay daw dapat kami. Buti nalang din pinayagan ako ni Mama kahit alam nyang gabing-gabi na ko uuwi. (8 pm kasi kami umalis sa bahay)

 

So ayun nga, ang saya lang kasi LIMANG TAON na nakalipas at muli nanaman kaming nabuo.Tanungan kami kung "Nakagraduate  ka na?", "Ano course mo?" at "Ano work mo?". Tapos picture doon, picture dito. Ang daming camera. Tapos yung iba napapathrowback pa, yung mga gawain namin nung High School. Tapos pinaka- the best yung asaran. Grabe! Yung mga magaganda, lalong gumanda. Aw kainggit. HAHA.

 

Anyway, ngayon lang ako sumali sa games. Usually kasi nanunuod lang ako sa tabi eh. Hmm kanina, sapilitan akong sinali sa isang laro. Shocks lang talaga! Alam mo yung barahang pinapasa sa kagrupo mo gamit yung labi? Waah! Muntikan na talaga. Inasar tuloy kami ng kaklase namin. Ugh!

 

(Dumikit nga ata! Yung down lip lang pero unting-unti lang. Patay malisya kanina! Kasi naman yung hangin eh! Waaah lagot ako neto!!)

 

(Di naman formal yung party na kailangan pang magdress. Ayan, as usual sa videoke ako nag-enjoy. haha!. Mga kaklase ko yan.May disco lights pa daw para masaya. Wala akong matinong p icturesdito, camera kasi nila yung ginamit eh)

 



About the author

PinkCat

Choose to be happy! ^___^

Subscribe 0
160