LOVE Statue

Posted on at


Katatapos lamang ng Pebrero 14 , tiyak ay marami pa rin ang mayroong ngiti sa kanilang mga labi dahil sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso kasama ang pinakaimportanteng tao sa buhay . 

Sa Japan , karaniwang ginugunita ng mga tao ang espesyal na okasyong ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng tsokolate ng mga kababaihan sa mga kalalakihan , pamamasyal at pagrerelax sa mga " onsen or hot spring " at ryokan or in English is a traditional japanese inn or small hotel whose floors are covered with tatami .( Tatami is a thick , woven straw mats )

Maraming lugar sa Tokyo ang maaaring pasyalan , isa na ang SHINJUKU  -  hindi man maituturing na romantikong lugar ay popular naman dahil sa mga nagtatayugang gusali na matatagpuan dito tulad ng Shinjuku I - Land Tower.

Kung susuriing mabuti , madidiskubreng isa ito sa mga romantikong lugar na paboritong puntahan kasama ang minamahal dahil sa public art installation na nakalagak dito kabilang na ang iconic na " LOVE " sculpture na sikat na landmark at meeting spot sa lugar . 

Ang  LOVE sculpture ay sikat na Pop Art image na likha ng amerikanong artist na si ROBERT INDIANA . Ito ay binubuo ng mga kulay letra na  L  at tilted na  O  sa ibabaw ng mga letrang  V  at  E  na hugis parisukat ,  na ginagamitan ng kulay asul  at  berde  sa loob . 

 

The " LOVE SCULPTURE "  is the culmination of ten years of work based on the original premise that the word is an appropriated and usable element of art . 

 

Makikita ang orihinal na LOVE sculpture na gawa sa corten steel sa Indiana Polis Museum of Art sa Indiana , U.S.A .

 

Ang LOVE scuplture sa SHINJUKU ,  TOKYO  ay isa sa mga magandang pasyalan at ipinaalala nito ang isa sa  PINAKAMAGANDANG SALITA AT EMOSYON .

 

 

 

 

 



About the author

160