Luha at Kalungkutan sabay sa patak ng Ulan
Sa tuwing umiiyak ang kalangitan, akoy kasabay nitong nasasaktan
Ang lamig ng kapaligiran., nagpapaalala ng kanyang paglisan
Sa dilim ng kalangitan, ginugunita ang kalungkutan
At sa bawat patak ng ulan, pusoy unti-unting sinusugatan
Mga araw ng pangungulila, kasing dami ng patak ng naulila
Mga araw ng pasakit, kasing dilim ng langit
Mga araw ng pag-iyak, pusoy unti-unting winawasak
Mga araw ng kasiyahan, mas madalang pa sa minsan
Sana sa muling pag-ulan, akoy dna muling masaktan
Sana sa lamig ng kapaligiran, 'di na muling iwanan
At sana sa bawat pagpatak ng ulanpusoy di na muling masugatan.
---------- x