Maalala-ala Kaya Ni Kuya?

Posted on at


Katulad ng madalas na kwento ko ay tungkol sa observation and experience ko sa pagsakay sa jeep ang blog na ito.

Kahapon, sayang kasi nagbayad ako agad pagkasakay ko ng jeep, may sumakay na kakilala ko, at ililibre sana ako, sayang. :D Hehe. Pero di yan ang topic ko talaga today. Isang lalaki na nasa 30-40 years old (sa tingin ko) ang biglang nagsabi na "Manong yung change po ng 50?" habang nasa kalagitnaan ng traffic sa bandang Naguilian Road (isa sa mga matrapik na daan here). Di sya sinagot ni manong drayber, kaya inulit nya ang pagtatanong nang malakas. Kaya nagtanong din si manong drayber ng "Mano diyay?" na ibig sabihin ay "Ilan doon?" . Sumagot si lalaki na "Isa lang" . Sumagot ulet si manong drayber na "Nasuklian ko na yon ah. Tig-fa-five na coins pa nga yun eh." Tapos nagtinginan na lahat sa kanya, and may isang babaeng may edad na ang nagsabing "Ay oo, naalala ko yun. Sayo ko din inabot" - sabi nya sa lalaking nagtatanong ng sukli.


Umiling-iling si kuya, at chineck nya ang magkabilang pocket ng pants niya. Nakuha nya ang maraming coins sa left pocket nya at nagsabing " Ay ito pala. Thank you".

Ay naku. Kawawa naman si kuya. Malamang, nawawala lang sya sa isip nya. Pero dahil dun, baka iisipin sa kanya eh gusto nyang "mang-isa" . Kaya dapat, laging alerto at laging presente ang ating utak.



About the author

Lonie

I am a music lover... a woman who thanks God every second of my life for His unconditional love.

Subscribe 0
160