Mabagal na Hustisya?

Posted on at


Ito ang palagi nating naririnig sa mga taong naghahanap ng hustisya. "Mabagal ang hustisya sa Pilipinas." Bakit sa Pilipinas lang? Mas mabilis ba ang hustisya sa ibang bansa? Mula ng nakulong ang kinasama ko dahil lang sa set-up ng kaibigan nya ay nakita ko kung bakit mabagal ang hinahanap na hustisya ng mga bilanggo. 

Sa pakikipagsalamuha ko sa mga ibang preso, nalalaman ko kung bakit sila nakakulong at kung ilang taon na silang nakakulong.

Ito na ang tanong. Bakit mabagal ang hustisya? Ito lang ang napansin ko. Laging reset ang hearing. May sakit ang Judge kaya di nakadalo sa hearing. Reset. May sakit ang Fiscal. Reset. May dinaluhang seminar si Judge. Reset. May seminar din si Fiscal. Reset.

Sa isang taon masuwerte na daw ang isang akusado kung natuloy ang kanyang hearing ng 2 or tatlong beses. Minsan sa isang taon ay 1 hearing lang ang natutuloy. Minsan ang isang hearing ay may pagitan pa ng 3 hanggang 6 na buwan. 

Tulad na lang nito.   August- reset ang hearing, wala c judge. 

                                Sept. - natuloy ang 1 hearing.

                                Oct. - 2 hearing ang inaasahan. (Kahit isa walang natuloy kc nasaktong wala ang

                                          Fiscal sa araw ng hearing.

 

After a year or more (ung iba umaabot pa ng 10 years), umaasa ang isang akusado na mapapawalang sala. Pero ang iba ay minamalas dahil "Guilty" ang resulta at ibabiyahe sa Muntinlupa para bunuin pa ang ilang taon para makalaya.  

                               



About the author

Jhoy-Supetran

Just a simple lady next door!

Subscribe 0
160