MABISANG GAMOT SA HIGH BLOOD
By Dr. Willie T. Ong
MAY gamot para sa altapresyon o high blood pressure na mabisa at mura pa. Ang tinutukoy ko ay ang Amlodipine.
Bakit ko nasabing mabisa ang Amlodipine? Heto ang mga dahilan:
1. Malakas magpababa ng presyon ang Amlodipine. Marami sa ating kababayan ay nabibigyan ng ibang gamot, tulad ng metoprolol, para sa altapresyon. Mahinang gamot ang metoprolol. Kung ang presyon mo ay lampas sa 160 over 100 mm Hg, kailangan mo nang malakas na gamot, tulad ng Amlodipine.
2. Matagal ang bisa ng Amlodipine. Ang isang tableta ng Amlodipine ay kayang magpababa ng presyon sa loob ng 24 hanggang 48 oras. Napakabisa nito.
3. Ito ang sikreto ng cardiologists. Alam naming mga espesyalista sa puso ang lakas at bisa ng Amlodipine. Kung hindi makontrol ang inyong blood pressure ng ibang gamot, subukan ninyo ang Amlodipine.
Kumonsulta sa Doktor Bago UMINOM ng gamot:
Kung ang blood pressure ninyo ay lampas sa 140 over 90 mmHg at may sintomas na, puwede ang Amlodipine sa inyo (itanong sa iyong doktor). Ang Amlodipine 5 mg ay nagkakahalaga ng P4-15 bawat tableta.
Sa murang halaga, makakaiwas kayo sa istrok at atake sa puso. Hahaba ang inyong buhay.
Para sa TIPS, LIKE Doc Liza's page - Dr Liza Ong
DISCLAIMER: The health advice in this forum is only for general knowledge. For your specific questions, kindly consult your personal physician. Thank you.