Sino ba dito mahilig manuod ng flip top sa youtube? May kasama ako dito sa bahay isang grade 7 student at nanghiram ng laptop ko para maka pag facebook at nagulat nalang ako nong narinig ko ang malakas niyang tawa.. tuwang tuwa siya sa kanyang pinapanood sa youtube at talaga naman ang lakas ng tawa niya. Kaya na curious ako at tinanong ko siya, Flip top pala. Matagal ko na tung naririnig ang flip top kahit sa TV ay naririning ko ang salitang flip top. Kaya pinanuod ko at talaga nga naman matatawa ka sa mga binibigkas ng mga flip topers kasi puro mga panlalait ang mga kataga nila. Mas lalong nakakakuha ng iyong attention ang mga pagkatugma tugma ng mga salita sa bawat hulihan ng mga pangungusap. Hindi po siya nakakatuwa pero nakakatawa talaga.
Ang fliptop daw ay isang modernong balagtasan, dahil sa pagkahanay hanay ng mga salita at pagka tugma tugma ng nasa hulihang salita. Pero kung ang laman ng kanilang mga pananalita ay puro panlalait sa kapwa,ay naku! mukhang malayo yata na tawaging balagtasang pang moderno.
Ang flip top po ay malakas sa mga bata lalo na ang mga nasa High School kasi ang sabi nila ito daw ay cool, pero para sa akin hindi po ito cool baka kasi ito ang pagsimulan ng rambol.
Maraming kabataan nito ang gumagaya kaya pilit nila ito ginagaya kahit nganga na sila na parang buwaya.
May masamang epekto po ito sa kabataan, kaya kung ang inyong anak nanonood nito ay dapat po silang pag payuhan. Baka bukas makalawa pinatawag kana ng skwelahan kasi ang iyong anak nakipagsuntokan nanaman.
Maganda sana ang flip top kung ang ginagamit na salita ay di nakakasakit sa kapwa at ng walang kapwa tao na mapaluha.
Panoorin nyo nalang ang video na nasa baba at baka kayo mamangha.