My mom is not the typical mother that everyone thinks off. Hindi siya ung tipo na pipirmi sa bahay, maglilinis, maglalaba, magsusulsi or magcrocrostitch, or yung kung ano ang sa tingin nyo na laging ginagawa ng nanay sa bahay.
Siya kasi panay alis. Lol kahit noon pang maliliit pa kami lalo na nung namatay papa ko at nagsipag-asawa na kaming mga anak nya. Pero isang bagay ang gustong gusto ko sa kanwya eh mahilig talaga siya sa halaman.
Noon hanggang ngayon iba-iba yung mga kino-collect nya. Noon nga eh halos lahat ata ng species ng 'san francisco' na tanim eh tinanim nya. For now, puro dahon-dahon lang nasa garden niya. lol
Pero kahit na ganun, maayos at malulusog ang mga tanim niya...lagi kasi niya dinidiligan tsaka yung tito ko din na mahilig sa tanim panay dilig niyan pag wala si mama sa bahay.
Kung makikita niyo sa video, napaka-presko din ng hangin kaya gustong gusto ko tumambay sa bahay namin sa province paminsan minsan. Yun nga lang, masyado mahina ang internet kaya di nakakapagbit ng madalas gaya ngayon.