Nowadays, kahit moderno at astig na mostly ng mga kabinataan dito ay likas pa din pala ang pagiging "gentleman" nila. Nung nakaraang araw at kanina lang ay experiences ko na naman sa pagsakay ng jeep ang patunay.
Nung isang araw, katulad ng madalas na nararanasan ko ay mahirap kumuha ng masasakyan. Puno ang mga jeep na dumaraan, may laman lahat ng taxing napapadaan (sabagay bihira naman ako talagang nagtataxi kasi masyarong mahal kasi matraffic dito banda sa amin). Sa kanto malapit dito sa house ako nag-aabang nun. May huminto sa tapat ko na jeep, na akala ko ay may bakante at magsasakay. Yun pala ay dahil nag-give way lang sa paparating na jeep galing sa bandang kaliwa. Ayun, sasakay sana ako, pero puno na pala. Buti na lang at may isang lalaki (na nasa 20-25 years old sa tingin ko) ang nagsabing "Miss, dito ka na oh." Sumabit na lang sya. Di ko na tinanggihan yun dahil nagmamadali na din ako nun. Salamat sa mabait na guy na yon.
Kanina naman, nadtnan ko na sa kanto ang medyo maraming naghihintay ng jeep, pero walang pila. Sakto pagdating ko dun, may dumating din na pampasaherong jeep at swerteng konti pa lang ang laman. At dahil alam ko na nahuli ako dumating sa kanto, di ako nakipag-unahan, though lumapit na din ako. Isang lalaki ulit ang nagmusra ng kanyang kamay na nagbibigay ng daan sa akin (na para akong prinsesa) at nag-smile sya. At dahil napansin kong mukhang kakasya naman lahat ng mga nandun kanina, ay sumakay na din ako agad gaya ng in-offer sa akin ng lalaki.
Ayun, natuwa lang ako sa mga na-observe ko nito nakaraan. Salamat din kasi may nasulat ako today.