Masakit At Masalimuot

Posted on at


So this would probably be my first Tagalog blog post ever! (Okay sorry. Sabi ko nga Tagalog eh. Last English ko na yun sa ngayon. Di ko lang matiis hahaha. Ay wait, Taglish nalang pwede?)

Ayun na nga. Kaninang 12:20 pm umalis ako sa bahay for my hair cellophane and hair treatment. Halos takbuhin ko na yung sakayan ng jeep dahil nga may 3pm pa kong schedule sa skin clinic which is an hour of travel away from my location. 12:45 nakarating akong Salon. Ang hapdi ng gamot sa buhok. Para yun sa cellophane. T__T Laking ginhawa nung nabanlawan na pati nung nilagyan ng treatment cream na pagkamahal mahal!! At 2:20pm tsaka lang ako nakaalis!! *Panic mode kasi I only have 40mins left before the clock strikes at 3*

3:30 pm na ko nakarating sa skinclinic. Buti nalang wala pa yung kasunod kong customer kaya naassist pa din ako. Tagumpay! Kaso.. Sa upper lip laser palang, ang sakit sakit na. Ang init lalo pag nadadaan sa ilong ko! Kaya aray ako ng aray! Hahaha. Pagdating sa kili kili, sa kaliwa, shutangnames mas masakit! Buti nalang matiyaga yung naglalaser sakin. Kahit sya di na nya alam kung paano pagiginhawain pakiramdam ko. Hahaha. Inexplain nya dn kung bakit masakit yung ngayon. Kasi tinaasan nila yung energy level plus tinaasan din yung pulses. Pero masaya ako at nakaraos ako. Sa susunod, magpapathreading nlang ako! Haha joke

 

Tapos Nagjeep ako via NLEX pauwi. Yung katabi kong babae wagas makasandal sakin kasi laging nakakatulog. Hirap na hirap akong pumwesto at nangangalay na ko ng sobra. Tapos si ateng nasa harap ko naman yung dalawang katabi nyang lalaki, basta may ginagawa sa cellphone, tinitignan nya. Hindi ko alam kung talagang interesting lang yung ginagawa nung lalaki sa phone or talagang sadyang chismosa lang si ate. Nakakaloka. Pasimple pa sya eh. Sorry sya kitang kita ko bawat kilos ng mata nya. Hahaha

 

At jan na nga po nagtatapos ang kwento ng masakit at masalimuot kong araw. Idagdag mo pa yung mga nagtakbuhang pera palayo sakin. Paalam $$ :( Hahaha! 

Credits to sis geetwo-narat for my penguin divider! :)

 



About the author

jie-hernandez

A petite Engineering student with big cheeks and bigger dreams!

Subscribe 0
160