May Sakit Si Kuya

Posted on at


Eto nanaman ako hindi maka concentrate dahil sa pag aalala sa panganay kong anak. Kakagaling lang namin sa ospital para ipacheck up siya. Bukas pa sana kasi Linggo ngayon pero nagdesisyon na ako kaninang dalhin na lang siya sa emergency dahil uma abot na ng 40 degrees lagnat nya at tsaka hindi masyadong umeepekto yung gamot niyang pang lagnat.

At ang resulta nga masyado akong nag aalala ngayon at gumagawa ng research.  May trace kasi ng protein sa ihi nya at ang mga resulta ay nag iindicate na maaring may problema siya sa kidney nya. Marami na akong kilalang namatay sa kidney failure kaya masyado akong nag alala at takot na takot sa kalagayan niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at anong ipapakain ko sa kanya dahil nagresearch ako puro naman hindi dapat ipakain yung mga dati niyang kinakain.

Suka siya ng suka kanina halos inilabas lahat ng kinain niya nung tanghali. Ayun nga tulog na siya ng hindi man lang kumakain. May nireseta nananam na antibiotic sa kanya. Hanggat maari sana ayoko na sana siyang bigyan ng mga gamot gamot dahil maxado ng naabuso ang katawan niya sa gamot nung isang taon siya hanggang 4 na taon. Sa loob ng tatlong taon hindi nagpahinga ang katawan niya sa antibiotic dahil sa pabalik balik niyang tonsilitis noon. Dalawang buwan pa lang siyang nagpahinga sa gamot heto nanaman meron nanaman siyang sakit at nakakatakot pa. Buti na lang hindi na siya nilalagnat ngayon pero sana huwag na ulit siyang lagnatin.

Hindi ako maka focus sa mga gawain ko online pag ganito. Ayaw na ayaw kong nahihirapan mga anak ko masyado akong natatakot at nag aalala sa kanila. Sana naman may infection lang siya at walang sira ang mga kidneys niya.



About the author

zivone-gen-naudal

Online all day and night..

Subscribe 0
160