Medyo movie review: A tale of two sisters

Posted on at


Medyo Movie Review: A tale of two sisters

"Ang galing." Yan lang nasabi ko pagkatapos ko panoorin ang A tale of two Sisters. Nagtataka ka? Horror movie pero ganun comment ko noh? Ang galing galing kasi ng pagkaka.. Nakalimutan ko yung tamang word. Nasa dulo ng dila ko.. Paki-hugot. Haha. Nevermind. Sabihin na lang nating pagkaka-ayos ng mga pangyayari. 

Nagumpisa ang kwento sa pag-uwi ng magkapatid na Soomi at Suyeon galing Mental hospital (Hindi talaga sinabi sa movie pero yun ang kutob ko). Ayos naman ang lahat para sa kanila, maliban sa idea na makakasama nila sa iisang bahay ang maldita nilang stepmother. Oh parang Cinderella ang peg ng movie. Pero hindi.. Simple sa umpisa di ba? Pero hindi.. Akala mo lang yon. Dahil habang tumatagal maguguluhan ka sa takbo ng mga pangyayari. Mapapaisip ka. Masyadong malabo kung ano talagang pinaparating ng kwento kung hindi mo iisiping mabuti. Ang demanding noh kelangan pa magisip maintindihan lang? Pero yun ang maganda sa movie na to. Oh baka ako lang nag-iisip nun? Haha. Pero ang ganda talaga ng kwento. 

Kung magtatanong ka kung nakakatakot ba.. May mga part na tatakutin ka gaya ng pananakot sa Ringu at Ju-on. Naalala ko pa nung pinanood ko to. Matagal na yun pero naalala ko pa. Haha. Epic kasi. Pinanood ko kasi to nang gabi at patay na ang ilaw. Sa phone ko lang pinapanood kaya nakahiga ako. Nung part na may sumulpot na ganun, yung tipong palapit nang palapit sa bida.. Syempre palapit din ng palapit sa screen.. Nabato ko phone ko. Buti sa kama lang bagsak nya. Haha! 

Kung papanoorin mo to ng gabi, buksan mo ang ilaw. Hahaha.



About the author

Mademoibelle

Kpop & K-drama fan

Subscribe 0
160