Sa panahon ngayon hayahay na ang mga kabataan in terms sa kanilang paglilibang at paglalaro .Nandyan na kasi ang mga computer, tablet, PSP at cellphone. Pero sa tingin ko wala nang gaganda at tatamis pa pag binalikan natin ang mga laro ng ating kabataan ..ang mga larong kalye. Like mu to kung ikay batang 90's nandyan ang sipa, tumbang preso, patintero at ibapa. Kaaaliwan din ang mga chant na ating nilalaro nung tayoy bata pa
O, naaalala nyo ba ito?
Langit, lupa, impyerno
Im-im-impyerno
Saksak puso, tulo and dugo
Patay, buhay, alis-ka-na-diyan!
O di ba, walang kakonek-konek? hahaha
Mangga, mangga hinog ka na ba?
Oo, oo, hinog na ako
Kung hinog ka na ay umalis ka na
Ayoko, ayoko, iiyak ako!
Hahaha, Manggang nagsasalita..May saltik lang ang
peg di ba?
Monkey, monkey annabell
How many the monkey did you see? (Ang natapatan ng
turo ay magbibigay ng number..e.g. 5)
1, 2,3,4,58
And the rikitikitik and the blue-black ship
Spell YES? Y-E-S
Spell NO? N-O
Alis and out you go
Oh ayos diba with matching action pa yan.Sarap talagang balikan ang mga laro noong ating kinagiliwan at sanay wag nating itoy kalimutan.