Mga hindi makalimutan noong 90′s

Posted on at


 

Mga hindi makalimutan noong  90′s

 

Ito yung mga naalala ko makalipas ang dalawampung taon.

  • Betamax at VHS! Naalala ko nung hindi pa pagkain yung Betamax. Mayaman ang pamilya niyo kapag meron kayong Betamax player pero mas mayaman kayo pag meron kayong VHS player kasi mas bago yun at mas malaki yung “bala”. Bigla din nagsulputan yung mga videotape rental sa bawat kanto. Medyo mahal kasi yung mga “bala” noon kapag bibili ka. Kung hihiram ka naman, kailangan member ka muna bago ka umarkila ng mga “bala” ng Betamax o VHS. Malas mo kung hindi rewinded yung nahiram mo kasi mag-aantay ka pa ng 10-20 minutes bago mapanood yung pelikula. Hindi din uso ang pirated movies noon pero uso ang videotape copier. Malas ka din kapag madumi at hindi mo nalinis yung player mo kasi pag nagutom siya, pwede niya kainin yung tape.
  • Inaabangan ko mag 4:30 ng hapon kasi sasabayan ko sumigaw si Paolo Contis ng “POR TERTY NA!!! ANG TIBI NA!!!!!”
  • Ang primetime hours ng mga bata ay 9am-12noon at 4:30-6pm kasi doon namin pinapanood ang Batibot, AngTV, Zenki, BT’X, Princess Sarah, Cedie, Mga Munting Pangarap ni Romeo, Remy, Blue Blink, Si Mary at ang Lihim na Hardin, Mr. Bogus, Teenage Mutant Ninja Turtles, Captain Planet at Tom Sawyer. Inaabangan din si Masked Rider Black at MaskMan kapag Sabado. Kapag Linggo naman ng umaga, mapapanood mo muna yung Flying House at Super Book, tapos manonood ka ng BioMan sa tanghali. Medyo patapos na yung 90′s nung nauso si Mojacko at Doraemon.
  • Si Pamela Anderson ang pinaka-seksing babae noon. At si Rosana Roces naman dito sa Pilipinas. Partner ni Pamela si David Hasselhoff at si Leandro Baldemor (ata) naman kay Osang. Laging laman ng mga diyaryong Tiktik, Abante Tonite at Remate si Osang at madalas sa center fold… walang bra! Bastos no?
  • Kailangan pa ipa-develop yung film ng camera para makita mo yung picture. 24 at 36 shots lang ang alam kong pwede sa isang film. Malas mo kapag na-expose yung film kasi hindi mo na pwede ulit ipa-develop. At malamang, papagalitan ka ng nanay mo kapag puro selfie photos mo yung makikita sa film.
  • Uso ang Nintendo Family Computer noon. At sinasamba ako ng mga kalaro ko kasi meron kaming ganung laruan sa bahay. Madalas namin nilalaro yung Super Mario 3, Popeye, Donkey Kong at Battle City. Siyempre ako yung player 1 kasi nakiikilaro lang sila hehe.
  • Malaki yung piso. Meron din na 2pesos na barya. At hinding hindi ko makakalimutan yung limang piso at sampung pisong papel. Ang kapal ng wallet ko noon kasi puro limang pisong papel ang laman.
  • Cute pa si Billy Crawford dahil nasa That’s Entertainment pa siya. At malamang ginagaya mo yung garalgal ng boses ni Inday Badiday na “Promise!”
  • Sobrang excited ka kasi ipapalabas ulit sa channel 7 yung Voltes V.
  • Eraserheads at Rivermaya ang sikat na banda dito sa Pilipinas. Si Francis M at Andrew E naman yung mga sikat na hiphop artists. Bago pa lang nagsisimula yung Parokya ni Edgar.
  • Takot na takot ka sa Y2K o yung Year 2000 bug kasi akala mo katapusan na ng mundo.

 

Ikaw ano naalala mo?

(*^_^*)

 



About the author

shy_melkie

Simple woman with simple dreams.

Subscribe 0
160