Sa impormasyon na ipinalabas ng organizing committee sa Papal visit, mananatili sa bansa si Pope Francis simula Enero 15 hanggang Enero 19. Labing-isang lugar sa Metro Manila at Leyte ang inaasahan na kaniyang pupuntahan.
Sa itinerary, sinabing darating sa Maynila ang Santo Papa mula Sri Lanka dakong 5 p.m. sa Enero 15, at magmo-motorcade patungo sa Apostolic Nunciature sa Taft Avenue sa Maynila.
"The Nunciature, which is the embassy of the Holy See, will be the Pope’s official residence in the Philippines," saad sa website na Papalvisit.ph.
Malacañang, Tacloban, UST
Sa Enero 16, magtutungo si Pope Francis sa Malacañan Palace kung saan makakaugnayan niya si Pangulong Benigno Aquino III, ilang opisyal ng pamahalaan at kasapi ng Diplomatic Corps.
Susundan ito ng motorcade patungo sa Manila Cathedral sa Intramuros kung saan siya magdaraos ng misa.
Magkakaroon din siya ng pagtitipon sa ilang pamilya sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sa Enero 17, magtutungo si Pope Francis sa Palo Archdiocese para magdaos ng misa malapit sa Tacloban Airport.
Sa tanghali, makakasalo niya sa panghalian ang mga mahirap at nakaligtas sa bagyong "Yolanda" na gagawin sa tinutuluyan ng Arsobispo ng Palo.
Pagkaraan nito, babasbasan niya ang Pope Francis Center for the Poor sa Palo, at bibisita rin sa Cathedral of Our Lord’s Transfiguration (Palo Cathedral).
Sa Enero 18, babalik siya sa Maynila para makasama ang mga religious leader at kabataan sa University of Santo Tomas.
Sa hapon ay magkakaroon muli ng motorcade para sa Concluding Mass sa Quirino Grandstand sa Rizal Park.
Aalis ng bansa at babalik na si Rome si Pope Francis sa Enero 19.
Mga lugar na pupuntahan ni Pope Francis sa Pilipinas
Posted on at