Nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa.
Kapag ang tao'y matipid,maraming maililigpit.
Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.
Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.
Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.
Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.
Ang gawa sa pagkabata,dala hanggang pagtanda.
Pag di ukol, ay di bubukol.
Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa.
Daig ng maagap ang taong masipag.
Ako ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto'y iba ang kumain.
Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.
Kung sino ang pumutak ay siyang nanganak.
Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak.
Matibay ang walis, palibhasa'y magkabigkis.
Walang palayok na walang kasukat na tungtong.
Sa taong walang takot, walang mataas na bakod.
Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buo ang loob ay kulang.
Kung ano ang puno, siya ang bunga.
Kung walang tiyaga, walang nilaga.
Kung may tinanim, may aanihin.
Huli man daw at magaling, naihahabol din.
Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.
Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo.
Kapag apaw na ang takalan, kailangan kalusan.
Ang mabigat ay gumagaan, kung pinagtutulungan.
Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.
Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim.
Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang malangsang isda.
Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw.
Malaking puno, ngunit walang lilim.
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Kunwaring matapang, bagkus duwag naman.
Bago ka bumati ng sa ibang uling, uling mo muna ang iyong pahirin.
Walang naninira sa bakal kundi sariling kalawang.
Walang lumura sa langit na di sa kanyang mukha nagbalik.
Di lahat ng kagalingan ay may dalang katamisan.
Di lahat ng kapaitan ay tanda ng kasamaan.
Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi.
Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.
Malakas ang bulong kaysa sigaw.
Walang ligaya sa lupa na hindi dinilig ng luha.
Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa kasaganaan.
Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasamang maluat.
Kung saan ang hilig duon mabubuwal.
Yaong mapag-alinlangan, madalas mapagiwanan.
Nakikita ang butas ng karayom, hindi nakikita ang butas ng palakol.
Ang pili ng pili, natatapat sa bungi.
Ano man ang gawa at dali-dali ay hindi iigi ang pagkakayari.
Ang taong walang pilak ay parang ibong walang pakpak.
Mainam na ang pipit na nasa kamay kaysa lawing lumilipad.
Ang araw bago sumikat nakikita muna'y banaag.
Walang mahirap na gawa pag dinaan sa tiyaga.
Huwag kang magtiwala sa di mo kakilala.
Nagpapakain ma't masama sa loob, ang pinakakain hindi nabubusog.
Ang taong tamad, kadalasa'y salat
Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot
May pakpak ang balita, may tainga ang lupa
Sagana sa puri, dukha sa sarili
Ang paala-ala ay mabisang gamot sa taong nakakalimot.
Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari.
Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.
Batang puso madaling marahuyo.
Tikatik man kung panay ang ulan, malalim mang ilog ay mapapaapaw.
Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala.
Ubus-ubos biyaya, maya-maya ay nakatunganga.
Kung binigyan ng buhay, bibigyan din ng ikabubuhay.
Ang iyong kakainin, sa iyong pawis manggagaling.
Buntot mo, hila mo.
Kung nasaan ang asukal, naruon ang langgam.
Walang mapait na tutong sa taong nagugutom.
Lahat ng gubat ay may ahas.
Ang anumang kasulatan dapat ay lalagdaan.
Nasa taong matapat ang huling halakhak.
Ang tunay na kaibigan karamay kailan man.
Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa kagipitan.
Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan.
Turan mo ang iyong kaibigan, sasabihin ko kung sino ikaw.
Ang tunay mong pagkatao, nakikilala sa gawa mo.
Ang tao kapag mayaman marami ang kaibigan.
Magkulang ka na sa magulang huwag lamang sa biyenan.
Ang pag-aasawa ay hindi biro, ‘di tulad ng kanin iluluwa kung mapaso.
Kung gaano kataas ang lipad gayon din ang lagapak pag bagsak.
Hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay.
Kapag ang ilog ay matahimik, asahan mo at malalim.
Kapag ang ilog ay maingay, asahan mo at mababaw.
Ang langaw na dumapo sa kalabaw,
mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam.
May tainga ang lupa, may pakpak ang balita
Kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin.
Huwag magbilang ng manok hangga’t hindi napipisa ang itlog.
Kung sino ang unang pumutak, siya ang nanganak.
Magkupkop ka ng kaawa-awa, langit ang iyong gantimpala.
Ang mabuting gawa kinalulugdan ng madla.
Kapag bukas ang kaban, nagkakasala sinuman.
Ang butong tinangay ng aso, walang salang nalawayan ito.
Ang utang ay utang, hindi dapat kalimutan.
Ang iyong hiniram, isauli o palitan.
Upang sa susunod, hindi ka makadalaan.
Ang bungang hinog sa sanga matamis ang lasa.
Ang bungang hinog sa pilit kung kainin ay mapait.
Walang humawak ng lutuan na hindi naulingan.
Gawin mo sa kapuwa mo. Ang nais mong gawin niya sa iyo.
Ang sakit ng kalingkingan damdamin ng buong katawan.
Ang mabigat ay gumagaan kapag pinagtulung-tulungan.
Madaling pumitas ng bunga,
kung dadaan ka sa sanga.
Ibong sa hawla’y ikinulong nang mahigpit,
kapag nakawala’y hindi na babalik.
Kahoy mang babad sa tubig sa apoy huwag ilapit
‘pag ito’y nadarang sa init, sapilitang magdirikit.
Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang matapang.
Kung may hirap ay may ginhawa.
Ang pag-ilag sa kaaway ang tunay na katapangan.
Ano man ang tibay ng piling abaka
ay wala ring silbi kapag nag-iisa.
Ang taong mainggitin, lumigaya man ay sawi rin.
Walang matiyagang lalake sa pihikang babae.
Kung takot sa ahas, iwasan mo ang gubat.
Matutuyo na ang sapa nguni’t hindi ang balita.
Madali ang maging tao,
mahirap magpakatao.
Aanhin mo ang palasyo,
kung ang nakatira ay kuwago
mabuti pa ang bahay kubo,
ang nakatira ay tao.
Kung pukulin ka ng bato,
tinapay ang iganti mo.
Balat man at malinamnam,
hindi mo matitikman.
Matalino man ang matsing,
napaglalalangan din.
Batang puso,
madaling marahuyo.
Kung saan nahihilig,
duon din nabubuwal.
Naghangad ng kagitna,
isang salop ang nawala.
Ang bulsang laging mapagbigay,
hindi nawawalan ng laman.
Ubus-ubos biyaya,
maya-maya ay nakatunganga.
Kung ano ang sukat ng ohales
iyon ding ang laki ng butones.
Nasa tao ang gawa
nasa Diyos ang awa.
Kung binigyan ng buhay,
bibigyan din ng ikabubuhay.
Ang iyong kakainin,
sa iyong pawis manggagaling.
Kung nasaan ang asukal,
naruon ang langgam.
Walang mapait na tutong,
sa taong nagugutom.
Ang tunay na kaibigan,
karamay kailan man.
Ang tao kapag mayaman,
marami ang kaibigan.
Kapag may isinuksok,
may madudukot.
Magkulang ka na sa magulang,
huwang lamang sa biyenan.
Nakikita ang butas ng karayon,
hindi makita ang butas ng palakol.
Hampas sa kalabaw,
sa kabayo ang latay.
Ang lumalakad nang mabagal,
kung matinik ay mababaw.
Ang lumalakad nang matulin,
kung matinik ay malalim.
Ang langaw na dumapo sa kalabaw,
mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam.
May tainga ang lupa,
may pakpak ang balita.
Kung ano ang itinanim,
iyon din ang aanihin.
Aanhin pa ang damo,
kung patay na ang kabayo.
Pili nang pili,
natapatan din ay bungi.
Huwag magbilang ng manok,
hangga't hindi napipisa ang itlog.
Kung sino ang unang pumutak,
siya ang nanganak.
Magkupkop ka ng kaawa-awa,
langit ang iyong gantimpala.
Kapag bukas ang kaban,
nagkakasala sinuman.
Ang bungang hinog sa pilit,
kung kainin ay mapait.
Walang humawak ng lutuan,
na hindi naulingan.
Sala sa lamig,
sala sa init.
Ang sakit ng kalingkingan,
damdamin ng buong katawan.
Ang mabigat ay gumagaan,
kapag pinagtulung-tulungan.
Sa larangan ng digmaan,
nakikilala ang matapang.
Ang pag-ilag sa kaaway,
ang tunay na katapangan.
Ano man ang tibay ng piling abaka,
ay wala ring silbi kapag nag-iisa.
Ang taong mainggitin,
lumigaya man ay sawi rin.
Sa taong may tunay na hiya,
ang salita ay panunumpa.
Walang matiyagang lalake,
sa pihikang babae.
Ang bayaning nasugatan,
nag-iibayo ang tapang.
Ang puri at ang dangal,
mahalaga kaysa buhay.
Mabuti't masamang ginto
Sa urian natatanto.
Sa maliliit na dampâ
nagmumula ang dakila.
Ang bayaning masugatan
nag-iibayo ang tapang.
Kapag apaw na ang takalan, kailangan kalusan.
Ang isip ay parang itak, Sa hasa tumatalas.
Kuwarta na, naging bato pa.
Bibig na natatakpan, hindi papasukin ng langaw
Kung anong bukang-bibig ay siyang nilalaman ng dibdib.