my BIELA MAIRE

Posted on at


ang tagal namin xang hinintay.. ipinagdasal.. kung kelan ok na at tanggap namin na maghintay nlang saka xa dumating sa buhay naming mag asawa.. madaming natuwa, na excite at nangarap kasabay namin.. ang lusog lusog nya..lagi ngpapakitang gilas.. galaw ng galaw.. ang likot pag hinahanapan ng heartbeat.. malikot din pag binabasahan ko ng stories at pag nakikinig ng childrens songs.. sinong mkpagsasabing magiging ganito ang lahat. super kami mag panic may maramdaman lang akong kaunti. minsan nga OA na kaming mag asawa sa tingin ko pero anong magagawa namin.. 1st baby namin e..

~it was feb 13 when i had my last ultra sound.. ang lakas lakas pa nya tuwang tuwa ako habang tinitingnan ko xa sa monitor. feb 15(sun) i had this feeling na akala ko pumutok na panubigan ko.. we went agad agad sa clinic ni doc pero sabi ng nurse nya di pa daw panubigan yun.. so we went back home.. 1 cm plang daw open ng cervix ko tas d pa daw naputok panubigan ko. feb (16) pumasok pa ako normal pa ang lahat..ang galaw nya pati ako.. feb 17(tues) around 3 am nilagnat ako.. mga 8 am pa ako ngpadala sa hospital.. ok pa si baby.. normal pag galaw.pero ang heartbeat nya 166 above normal daw.. minonitor pa ako mga bandang 11 am ok na.. i was relieved na nag 144 na hbeat nya.. pero mga 12 d na nila mahanap heartbeat ni baby.. everyone was in panic.. but i was not.. i had really high hopes.. i had ultrasound ulit at nakita mahina na hbeat nya.. pero positive padin ako.. emergency CS na ako nun.. pero wala padin... wala na si baby nung nilabas daw xa..di na umiyak tas nagpupu na din nung nailabas.. wala akong kaalam alam kinabukasan ko pa nalaman ang lahat.. ang hirap...sobra.. pero kailangan ko magpakatatag para sa asawa ko at sa mga taong nagmamahal sa akin.. pero nahihirapan pa talaga ako. di ako makaiyak pag nandyan ang asawa ko kasi ayoko mag alala xa.. pag gabi hirap ako matulog... ang daming sana..at dapat pala.. 

~sa ngayon nagpapagaling padin ako.. kasi yung tahi ko naman bumuka.. ngpapanic ang lahat ako lang ang hindi.. alam ko gagaling ang pisikal na sugat at ang emosyonal din.. pinapanalangin ko na sana gumaling na yung tahi ko para di na mag alala lalo ang mga tao sa paligid ko.. 

~~anjan nga pala pic ni baby.. kamukhang kamukha ko xa mga kaibigan kaya paanong di ako mahihirapan... :( :( :( 



160