She's sick of me LOL!!!
The girl in this picture is not my mom. It's just an image with the closest reaction when mom got mad at me this morning.
(Tagalog nalang guys ha hehehe) Eto na nga, ganito kasi yon eh. Pati ako di ko alam kung saan sisimulan. Lagi kasi ako ang naiiwan sa bahay eh. (pero wala akong ginagawang iba ha) Babad ako sa harap ng computer maghapon magdamag minsan pag wala mga pinsan kong singitero at singitera. Hindi tlga ako pala labas ng bahay lalo pag sobrang init. Kya kmi nlng ng computer magkaharap lagi. O diba ang saya ng life ko. punong puno ng kaboringan. Kaya puro sa games at bitlanders nkatutok naghahanap ng kausap at masaya nmn ako sa mga kalokohan ng karamihan dito at sa games kahit papano. kaya tumatawa akong mag isa sa bahay. Minsan sinasabihan n akong baliw dahil sa mga nbabasa kong COMMENTS!!! hahaha totoo nmn diba mapapa tawa k nalang tlga sa mga nababasa dito. Lalo sa mga videos at gallery.
Biglang dumating mama ko at ang daming pinamiling groceries. So madami nnaman kaming stocks ng mailalagay sa tiyan. Ang saya ko nanaman habang ganado ako kahapon magbato ng ponkan sa inyo, umalis nanaman si mader dear. Hindi ko din namalayan n nasobrahan ko n atang kainin mga pinamili nya. D ko maalala kung naka ilang kuha ako ng mineryenda ko. Ubos ung sliced bread na pinalamanan ko ng pancit canton e tsaka ung Isa't kalahating litro ng coke binanatan ko. E sa hndi nmn sila nagluto ng para sa lunch aba syempre nagutom alaga ko. Tapos alas diyes n ng gabi sila nagsidatingan. Nakain ko n ung embotido. Malay ko b kung kumain n sila sa labas. Inunahan ko n silang natulog bago pa ako mapagalitan.
Pagkagising ko sa umaga, hindi galit si mama hehe. Ang ganda ng gising ko, pero di ko alam na may ibang balak tong si mader derest ko eh. Ang lambing pa inoffer p nya sakin ung Ice candy daw bka gusto nasa freezer lng iniwan para sakin. Nkain n daw nila ung iba. Ako naman si shunga natuwa at naniwala agad. So, tinignan ko nmn agad. Nagulat ako green na ice candy? Inisip ko Avocado flavor cguro. Ni hindi sumagi sa utak ko na ganun gagawin ni mama sakin. Edi binutasan ko n ung matigas na green ice candy kuno at sinipsip. Yuck!!! ang pait pait pait sobra!!!!!!!!!! Bglang dura ko sa lababo. "Ano un ma!!!! hnd ice can dy un eh!!!!" Alam nyo guys dinig ata ng buong baranggay ang npakalakas na tawa nya. Kainis!!!! Sabay sabi para daw sa Pinapaitan na ulam! Hmmm nasira araw ko. Sinadya nya pala talaga un ipakain sakin. Yun daw po kasi napapala ng batang matakaw. Kain pa more sabi nya. ang saya po ano?