Ang Blog ng Isang Taong Gutom
Itong blog na ito ay challenge ko sa sarili ko. Ang challenge ditey ay obvious naman sa title. Oo, balak kong makatapos ng isang blog habang gutom. Bakit ko naman naisipang gawin yun kung kailan pa kakatapos lang ng pasko at marami namang pwedeng i-raid sa ref? May pagka masokista ba ako at natutuwa sa sarili kong suffering? Hindi naman.
Speaking of masokista, papanoorin nyo ba ang fifty shades of grey? Ako hindi. Hindi kasi ako fan nung book eh. Hindi naman sa prude ako (ay grabe prude talaga ang word of the day? Aba why not!) and totoo eh, na-bored lang ako sa book. Siguro kasi mas magaling at adventurous kami ni hubby kaysa kay Christian at Anastasia… ayyy! Itigil na natin ang usapang yan at baka maging rated R na ang blog na itey.
Oh sya, balik sa usapang wholesome. Ang totoong dahilan kung bakit nagb-blog ako ng gutom ay dahil madaling araw na at matutulog na ako after nito, so useless din kumain kasi itutulog ko na rin lang naman right after. Yun lang. Oh diba, in fairness, nadiscover ko din na kaya ko palang gumawa ng blog ng gutom. Kung ano ano nga lang pinagsusulat ko… pero ganun din naman ako mag-blog kahit hindi gutom eh. Hahaha.
Note:
Oo, mga watermelon ang separator etchoses ko. Dahil gutom ako syempre food dapat ang theme ng paragraph separators. Hindi daw masokista oh.