Nakabuo ka na ng Simbang Gabi?

Posted on at


"Isang oras sa isang linggo na nga lang ang hinihingi ni God, hindi nyo pa maibigay" ~ Yan yung sinasabi ko sa mga kapatid ko. 

Siguro maraming nagtataka kung bakit laging mag-isa lang ako nagsisimba tuwing linggo. Sa maniwala kayo o sa hindi, once a year ko lang nakakasama ang family ko sa pagsisimba. Yun ay ang araw ng Pasko. Ewan ko ba sa kanila. Sabi ni mama, ang importante di sila nakakalimot kay God..Yes! Totoo naman yun. Di naman kasi lahat ng nagsisimba ay banal at hindi rin naman ng hindi nagsisimba ay hindi banal. Pero try mo rin magsimba, iba kasi yung feeling! Honestly, di naman ako banal. Di nga ko nagbabasa ng bible eh. Nagsisimba lang talaga ako para magpasalamat at humingi ng tawad. Naks!

Ngayong misa de gallo, niyaya ko yung 2 kong kapatid na magsimba para naman may kasama ako. At ayun, pumayag sila. Yey! Bonding with my brothers na rin to. Ngayon lang kami nagkasamang tatlo. Yung kuya ko kasi sobrang tahimik. Computer at libro lang lagi kaharap nun. Si bunso naman, ganun din. Ako lang talaga ang pinakamaingay sa bahay na to. :D

Ito yung dahilan ko kung bakit lagi ko binubuo yung siyam na simbang gabi:

  • Ito yung way ko para magpasalamat sa lahat ng blessings na natatanggap ng family namin. Nagsacrifice si God para sakin/satin, kaya ako naman ang gaganti. Para sakin ang pagsisimbang gabi ay sacrifice. Challenge to sakin. Ang hirap kaya bumangon ng 2:30 am tapos maliligo then makikinig sa misa. Sa totoo lang nakakaantok talaga lalo pag sa loob ng simbahan. haha peace! ^^ Pero pinipilit kong imulat mga mata ko at kumanta. Ayoko tumingin sa mga taong nakapaligid sakin kasi lahat sila hikab ng hikab. haha
  • Pag nabubuo ko yung simbang gabi, iba yung feeling. Napakablessed. Basta yun na yun! Ang saya :)
  • Napakablessed
  • Napakablessed
  • at napakablessed

Ikaw natry mo na mabuo yung simbang gabi? Ano feeling?

 



About the author

PinkCat

Choose to be happy! ^___^

Subscribe 0
160