May ikukwento lang ako ng maiksing kwento... Nandito kami ngayon sa isang Park.
Bago makapasok ng Park , bibili muna ng ticket sa vending ticket machine ... Dahil maaga kaming nakarating , walang ganong tao pang nakapila .
Nung nasa harap na ako ng vending ticket machine , nag close-open ang sign ng pinagkukuhaan ng sukli ...ibig sabihin ay may nauna sa aming bumili ng ticket na nakalimutan ang pagpindot sa sign ng SUKLI ..
Walang magagawa , kundi pindutin ko ito , kasi hindi ako makakabili ng ticket ...kaya lumabas ang sukli ng nakaiwan , lahat lahat ay ¥ 9100 , sa peso ay 3000 pesos din ang naiwang sukli.
Hindi ko alam Kung sino ang nakaiwan ng sukli sa vending ticket kaya , pumunta ako sa harapan ng entrance at may empleyado ng park sa opis, don ko sinabi na may nakaiwan ng sukli .... Inabot ko ang pera ..
Nagpasalamat ang staff , at tiyak naman daw na babalik ang nakaiwan ..at Kung hindi sila na ang magbibigay impormasyon sa pulisya Kung wala mang kumuha ng sukli.. At sa ilang buwan na walang kumuha , sa akin daw ibibigay ang naiwang pera ...
Sana makuha ng may ari ang sukli ...