Bago ko simulan ang blog na ‘to. Gusto ko munang batiin ng Happy Birthday ang energetic naming lola. Happy 81st Birthday Inang. (dito talaga ako bumati e di naman niya mababasa).
Paano ko ba ‘to sisimula. Start natin sa…
THE TITLE
Wala akong maisip na title, pero dyan nakilala si lola namin. Pag may mga tao kasi na hindi kami kilala, pag sinabi namin pangalan ni lola, sasabihin nila, “Apo na ka gayam dyay napintas nga baket”—sa tagalog, “Apo ka pala nung magandang matanda.” Ampangit pakinggan ‘di ba pag tagalog. Pagkatapos pinuri, medyo nilait ng kaunti (hehe).
THE LOOK
30 months nang buntis si lola (lol). Laki kasi ng chan eh, kaya pag tumatawa, umiindayog din ang chan. May lahi pong Kastila ‘yan. Pag nakita niyo ang mata niya, color brown na may blue ring. Maganda talaga. ‘Yan ang asset niya. Lalo na nung bata bata si lola, naemphasize talaga ang color blue. Unlike ngayon medyo mapusyaw na ☺. Kahit ‘yun lang sana ang namana ko sa kanya. Pero ayos lang, wala naman kasing nakamana sa mga pinsan ko. Wala akong kaiinggitan (happy).
THE GREAT NANAY AND LOLA
Maaga kasing nabyuda ang lola namin. Three years old pa lang si mama noong kinuha si Tatang ni Lord. Manginginom po kasi at medyo babaero (yan ang kwento sa amin hehe). Napakabait ‘di ba. Kaya ayun, naiwan si lola upang alagaan ang 7 niyang supling. Pero ngayon anim na lang sila, maaga ring kinuha ni Lord ung isa, bata pa rin si mama noon. ‘Di na ulit siya nag-asawa kahit marami raw ang nakapila (hehe).
Para mabuhay at para may makain, nagtinda si lola ng mga gulay-gulay. Naaalala ko pa, lagi akong sumasama para magtindi pag walang klase. Pero noong time na ‘yun, nagtitinda lang si lola para sa sarili niya at wala raw siyang magawa sa bahay kaya pinagpatuloy niya ang nakasanayang hanap-buhay at more chismis sa kanyang mga friends. Pinahinto na lang siya sa pagtitinda noong time na lagi siyang nahihilo sa pwesto niya.
THE QUEEN IN THE MAKING
Pero ngayon huwag ka, buhay donya na siya. Tagatanggap na lang siya ng pera sa mga pinsan kong nasa abroad. Hindi pa ako makapagbigay ngayon kasi nag-iipon pa ako. Suot nga niya ang bago niyang damit kanina eh, 1k din ‘yan. Mahal na talaga ng mga damit ngayon!
Wala na akong maisip ilagay. Hindi ko rin sure kung may magbabasa nito. Naisip ko lang talagang gumawa dahil birthday ni lola. Sana maabutan pa niya ang apo niya sa akin ☺.