DUMMY= fake accounts pang asar sa legit sellers, o sa mga kapwa seller na itinuturing niyang kalaban sa biz
JOY RESERVER = Mga nagpapareserve pero walang planong bumili, trip lang nila.yung iba nanggugulo lang para mapagastos ka, yung iba eh mga kalaban mo sa pagbebenta at inaasar ka lang using dummy accounts.
LEGIT SELLERS / BUYERS = kabaliktaran ng scammers, sila yung mga totoong nagbebenta / bumibili.
BOGUS BUYER = kapatid ni joy reserver, kunyari bibili, nagmamadali pa, tawad pa ng tawad, tapos siya pa magdidikta ng oras at meetup place, pero di naman sumisipot.
SCAMMER = Nagpapangap na nagbebenta, pero wala namang benta, pagbabayarain ka lang tapos mawawalang parang ninja, pwede itong buyer rin, gusto mauna ipadala yung items, pag naipadala na, di na magbabayad at block ka agad sa fb.
LADYGAGA / EQUALIZER = supersaver deals
DROPSHIP = pagbebenta na walang puhunan, kakausapin mo si supplier, bebenta mo ang items niya, pag may bumili sayo at nagbayad na, babayaran mo naman si supplier para ipadala na ni supplier ang items sa buyer mo at nakapangalan sayo ang items para kunyari galing sayo.
OVERRUNS = slightly damage or di gaanong perpektong pagkakagawa pero original na items, karamihan eh mga damit to. NOTE: walang overruns na tsinelas. kahit ano pa sabihin ng iba jan
BALES = ang alam ko eh parang isang sakong ukay hehe
BUNDLE= halong items, parang sa icecream, maraming flavors in one go
SLIGHTLY USED= 2nd hand pero pwede paring pang japorms
PULL-OVER= mga damit ng koreana na sikat ngayon, medyo maluwang siya
MAXI = mga malalaking bagay, like MAXIDRESS or MAXIPANTS
COURIER = mga nagpapadala ng parcels, like LBC, JRS, XEND, ABEST, WWWEXPRESS, DHL, EMS, PHLPOST
PERA PADALA = alam mo na yan
MOP = Mode OF Payment, kung via bank ba, o sa mga pera pdala like palawan exrress, ml, cebuana, o bote na ipinaanod sa dagat
HM = how much?
LP = last price?
RFS = reason for selling? madalas to pag 2ndhand phones
MANUFACTURER = makers ng item na pangbenta, nagbebenta lang to sa mga authorized distributors
DISTRIBUTOR = direct from manufacturer, also called direct supplier, sila ang wholesaler
RESELLER = mga kumukuha sa distributors, minsan nagwhowholesale din sila, kasi may mga resellers din sila lalo kung medyo malakas rin silang umorder at may special discount sila from distributors
END USER = mga buyers lang at di nagbebenta, nagkakasya na sila sa pagamit ng sabon, pag suot ng dress and couple shirts, ng sapatos, ng kung ano-anong benta ng mga sellers
PRE-LOVED = see SLIGHTLY USED credits to Biko-Maeko Villanueva Nabiula
UP = bumping your own ads/post, para tumaas ulit yung thread mo sa groups, also update sabi ng mga cz natin
CZ= sissies, mga ka sisteraka, sisters, etc... pero lalake ako so ewan kung paano ko tatawagin, mga BRU na lang siguro as in bruha
THREAD JACKING = magcocomment ka ng benta mo sa thread/ads ng iba, maituturing etong kabastusan
JOY RIDE= mag cocomment ka ng ads mo sa mga paid ads haha, libre ads na makikita ng libo-libong tao, lagi ko tong ginagawa haha.
FF = following, pag gusto mo mag subscribe sa isang ads/post/thread na interesado ka. credits BIKO and Winalyn Aguilera
PUSH = ibenta ng OA na sa marketing hehe, like oo mare, puputi ka talaga dito sa benta kong whitening dress...
SPECS = specification, madalas to sa mga gadgets.
LEMON = fake , japeks
DENTS = nayupi or little imperfections sa mga gadgets, dahil sa nahulog or mga gasgas
RUSH = nagmamadali, bentang palugi, pang quota lang, or need talaga ng pera
QUOTA = madalas to saming mga distributors, para ma maintain kami sa list ng manufacturer, may contract kami eh. kaya pag sinabihan ka ng "geh bigay ko na sa lowest price ko, or puhunan" maniwala ka na malaki na discount mo , kasi kahit wala na yang tubo, basta mahabol lang ang quota niya
LOW BALLERS = mga pamatay ang tawad, tipong 2k ang benta mo tatawaran ng 500 na lang.
HECKLERS = mga nagaasar lang sa comment, yung sasabihing di effective ang item, na sira ang item, na umiinit ang item, etc, basta sisiraan lang ang item mo
FRIENDS = mga suki, mga prospect buyers, or prospect resellers
FRIENDS LIST = eto yung unang titignan ng kalaban mo sa negosyo, i ad-add niya lanhat ng friends mo para maagaw mga buyers mo
FRIENEMY = nagsend ng friend request pero may masamang motibo, angaagaw ng buyers tru PM
PM = private message
STALKER = nagmamasid sa wall mo, kung ano mabenta, para magaya niya
TROLL = kapatid ni stalker, pero hindi seller, pwedeng maging buyer, so prospect mo na rin to
BUMP = Bring Up My Post = also see UP credits to Mayan Marquita
INFOPOST/ INFOGRAPHICS = mga post or pics na may matututunan ka as a seller or as a simple human being hehe
TRENDING = mga hot issues, hot items so magandang ibenta sa season na yun
SEASONAL = mga fabs, biglang sikat, biglang laos, gaya ng loombands
PTP / PTPA =Permission to post / permission to post admin Credits to @winalyn
TIA = Thanks in advance, Credits to @winalyn
RELATE = feel mo, naranasan mo na rin, dama mo ang dama ng isang seller na nag e-emo sa post niya haha, Credits to Thez Nidua
PHOTOGRABBER = nangunguha ng pics ng ibang seller para ipost di as her/his pics for his/her ads, di nagpaalam syempre
PHOTOBOMBER = mga extra sa pics, mga di dapat makita sa pics, kunyari picturan mo benta mong sabon pero may naisaling ballpen sa picture, panira sa ganda ng ads haha
PROOFS = mga patunay na nagbebenta ka, mga resibo, mga pics ng pagpapadala mo ng parcels sa couriers, mga pics ng ipapadala mo, o pics ng items na pambenta galing sa supplier mo. NOTE: pwedeng photograbber na scammer ang magpost neto, so ingat pa rin, be vigilant when buying online
WISE BUYER = pwedeng mga paranoid lang na 1st time online bibili, or mga suki na pero nagiingat parin dahil bago ang katransact na seller, maging mapanuri, mapagmatyag, matang lawin hehe
LUCIFER= dating legit na naging scammer, so always magingat parin, daming nagpapabango lang yan sa unang transaction, saka na tutuklaw sa next BIG transaction, remember, lucifer was once an angel
ONHAND = may stock, ready to ship or deliver or meetup
PRE-ORDER = walang stock, ipon ng orders, sabay-sabay kukunin, pwedeng cash pag nadeliver na (madalas dito ang joy reserver), pwedeng bayad muna bago order.
CLASS A = copy ng orig na items, almost orig, pero lemon, pag sinabing triple A o 3A or 8A eh super ganda na ng pagkakagaya pag itabi mo sa orig eh di mo na masasabi kung ano ang orig, pero, lemon parin hehe.
EUC -excellent used condition. Credits kay ma'am Roxy Stor
GUC -good used condition Credits. @ Roxy Stor
SRP -suggested retail price. Credits @ Roxy Stor
RP -resellers price. Credits @ Roxy Stor
RTW = ready to wear, pag nagmamadali ka at may pera ka nman pambili haha, walang laba-laba
SUBLIMINAL ADS = mga simpleng ads, hindi halatang ads, pero malalim pala eto at tumatatak sa utak ng tao, gaya ng post kong ito, kunyari INFOPOST pero wag ka, disguise lang to, bilangin mo nagcomment at nag up at nag like ng post ko, dami diba, edi sikat ako, sikat post ko, dami na bibili ng products ko wahaha. bili ka ng sabon? distributor ako
naisip ko lang, daming new resellers na nagtatanong so para may reference na sila eh gawa ako ng dictionary haha
comment na lang kung may ipapabago or ipapadagdag