Paano Ba Maging Masaya Pag Malungkot?

Posted on at


Bakit ang lungkot ko?

Ito ang tanong na unang sasagi sa isipan ng taong malungkot o biglang nalulungkot na hindi malaman kung bakit nga ba. Kasunod nito ang katanungang, paano ako magiging masaya?

Minsan matatapos na ang araw malungkot ka pa din. Dahil sa kalungkutan mo hindi mo namamalayang hindi lang pala ikaw ang apektado kundi ang mga taong nasa paligid mo. (baka may kili-kili powers kana, hindi ka pa nakaligo dahil depressed ka! Hahaha!) Anyway, ito maari yung mga taong nagmamahal sayo, friends or families. Kadalasan kasing may magbabago pa lang sa timpla mo, posibleng alam na nila agad.

Hanggang yun nga, oras ng pagtulog hindi ka makatulog dahil mabigat ang iniisip mo. Hoping na sana pag gising mo eh, everything's on the right track again. Nahirapan kang matulog pero sa sobrang pag-iisip mo napagod ka na. Sumuko ka na. Nakatulog ka na.

Sa pag gising mo ng umaga maaaring hindi ka pa naka move-on at ang kahapon ay naisama mo sa pag gising mo sa kasalukuyan. Oo, mahirap simulan ang buong magdamag na may iniisip na dalahin buhat ng kahapon.

Lahat tayo nararanasan ito. Pero ito lang ang na realize ko. Totoo ang kasabihang, "Happiness is a choice". Pero ganun na lang bang piliing maging masaya ka kahit sobrang iba ng feelings mo? Well actually hindi. It requires self-understanding and a little bit of time.. Tanungin mo ang sarili mo, mag muni-muni ka. Talk to a friend. Mag lasing ka. Mag lakwatsa. Gawin mo ang lahat ng sa tingin mo ay makapagpapasaya sayo.

But believe me or not when you wholeheartedly accept happiness kahit na sobrang lungkot mo, in less than a minute you can find happiness ora mismo. Sabihin mo sa sarili mo ang saya mabuhay at itong nararanasan ko ay katiting pa lang ng lahat ng napagdaanan ko sa buhay.

It's really mysterious how our brains respond to our feelings. And it's on us how we're going to handle it. Tayo ang kapitan ng sarili nating katawan at pag-iisip.



About the author

Rhanz

I simply love hanging out over the internet discovering new stuff and meeting new friends!

Instagram: @rhanzferrer
Twitter: @ranzferrer

https://friendiary.wordpress.com If you're free please visit my blog. Though I stopped writing for like 5 months. I will find time to update it. :)

Subscribe 0
160