Paano balutin ang regalo?

Posted on at


It's not the usual thing that we always do. But whenever we got the chance to give something to each other, we will try to make it something special...like, it's not the usual. Haha...confused? Well, here's just a few example how my husband is doing his silliness on me.

Last December, I was really confused on what gift should I gave him. One time, I was so surprised when I woke up early in the morning and saw that he had already wrapped his gift for me. And I was like: "Kelan mo to binalot? Saan ako nung mga oras na yun? Ba't di ko nakita?" Dami ko tanong noh? haha...

At ang simpleng sagot lang niya: "Dito lang." Loko-loko din minsan eh...eh kaya yun, di ko tinigilan kakatanong. Busy daw kasi ako kakapanood ng GGV (Gandang Gabi Vice) that time, para na nga daw akong luka-luka kakatawa habang nanunuod ng TV at siya enjoy na enjoy habang binabalot yung gift.

Eh siyempre, excited much ako kung anong laman kasi nga mabigat eh. Wahaha...pero sabi niya: "Sa December 24 mo na buksan yan, kahit pagkaalis ko na papuntang work." Oh ha, may kondisyon pa...eh di pumayag si ako. Wala naman kasi akong choice diba?

☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺

Pagdating ng December 24, tawa na siya ng tawa habang nag-gogoodbye kiss. Siyempre nagtaka lola mo, pero sabi niya wala lang. So pagkaalis niya, inatupag ko pagbabalot nung remaining gifts na di pa nababalot para sa mga pamangkin ko. Ang ending, naubusan ako ng gift wrapper para sa ibibigay kong gift sa kanya. So dahil resourceful ako at bigla ko naisip pinapabuksan niya pala yung Christmas gift niya para sakin that time, eh di dinahan dahan kong buksan yung box dahil gagamitin ko para sa regalo ko sa kanya. Oh tipid diba? ahaha Pero isang dahilan din kaya ayoko ng bumili ng bagong gift wrap, eh ang haba ng pila sa mall (nagdadahilan lang noh kasi ayaw talaga lumabas pa ng bahay) hahaha.

So yun na, pinagpawisan ako habang binubuksan ko yung regalo niya for me, binalot ba naman ng sandamakmak na scatch tape. My God! At bulaga!

 

At pagkabukas...ang nasabi ko nalang..."ANOOOOO TO????" 

Napamura nga ako sa isip ko eh, ang lakas ng trip ng taong to...ano kaya nakain nun? ahaha Juice colored, tingnan naman kung ano laman nung box (mga stocks namin sa bahay pinaglalagay niya sa box pati steel tape niya at punda?), kaya pala mabigat. Loko loko din eh. ahaha

So nilabas ko lahat ng laman, kasi nga ilalagay ko pa yung gift ko for him diba? Remember kaya ko dinahan dahan pagbukas yung box kasi gagamitin ko nga, pero pagkakita ko sa laman sarap sunugin nung box. Wahaha

Pero huwag ka, sa pinakailalim pala nung box, may maliit pa na box na nakabalot parin sa gift wrap. Dun ako nagtaka at medyo tumalon ang puso ko sa saya..."may isa pa pala...ano na naman kaya to?" So binuksan ko nga...at lalo ako nainis dahil yung box na pinaglagyan ulit eh hose clamp box (clamp na ginagamit para higpitan yung hose sa LPG).

Parang ayaw ko na nga buksan yung laman nung time na yun eh. haha Pero dahil naubos na pasensya ko, hala sige...lagot ka pag di ako natuwa sa laman nito...di talaga kita babatiin at di ko ibibigay regalo ko sayo.

Pero pagbukas ko, uie ano to? haha...ang cute lang...kasi di ko ini-expect na bibigyan niya ako ng ganyan. Di din kasi ako maluho sa alahas so na-surprise talaga ako. In fairness, umeffort...yun nga lang nainis ako ng bongga bago ko yun makita! ahahaha

So kayo, kung may balak kayo magbigay ng regalo just for fun, eto magandang gayahin siguro. Lakas maka bad vibes. ^_^ Hanggang dito nalang at medyo mahaba-haba narin nasulat ko.

 

PS: Binalik ko lahat ng laman na pinaglalagay ni hubby at binalot ko ng bongga ulit yung box pero di ko nilagay yung gift ko. Nilagay ko lang sa cabinet yung gift ko sa kanya pero pinahanap ko ng bongga sa loob ng bahay para makabawi ako sa trip niya. Bwahahaha (evil laugh) :p



About the author

160