Marami pa rin ang mga Pinoy dito sa Japan na successful o kuntento sa kanilang napangasawa dahil sa mga kadahilanang ito: ( sa akin lang pong palagay) UNA ~ Syempre may takot sa Diyos, may malalim na pananalig ng Sakramento ng kasal lalo na kung ikinasal sa simbahan... PANGALAWA~ Marunong makisama, mag adjust, magbago,magtiis alang alang sa sinumpaang pangako sa Diyos..at PANGATLO~ Marunong makuntento,magsikap,maghintay,magdasal o humingi sa Diyos ng tunay na biyayang nakapagpapaligaya sa kaluluwa ( hindi ng sa katawan) ...... Alam naman natin na sa kahit anong kultura ay malaking kasalanan ang mangaliwa... Sa pakikipag asawa, number one tayong nakipagkasundo sa Diyos at pangalawa Lang sa ating asawa at sa ating sarili.. Kaya dapat na ilagay ng mag asawa lagi ang Diyos sa gitna ng kanilang pag sasama.
Paano maiiwasan ang pangangaliwa?
Posted on at