Pag-aaral ng mga batang Pilipino sa Japan

Posted on at


Maraming mga Pilipinong magulang( parehong Pilipino ang ama at ina ) rito sa Japan na pinili nila nandito pag aralin ang kanilang Anak mula elementarya lamang at ipagpapatuloy nila sa Pilipinas kapag high school . Ang iba ay kabaligtaran , sa Pilipinas nag aaral ng elementarya at sa Japan naman mag ha high school .

Ngunit ano ba ang mas mainam para sa mga bata na ang kanilang mga magulang  ay gustong mag - aral dito sa Japan ?Sa tingin ko ay dehadong- dehado ang bata kapag hindi naipag patuloy ang pag- aaral ng diretsong 10 sa Pilipinas o di kaya ay sa Japan.

Kailangang pagplanuhan ng mga magulang kung papano nila bibigyan ng mabuting kinabukasan an kanilang anak. Okay kung sa okay ang bansang Japan kung gusto mo mamuhay dito , pero dapat din na isaalang- alang nila ang kapakanan ng kanilang mga anak. 

May mga suhestiyon ako kung papaano maka-survive ang mga bata kung dito sa Japan papag-aralin sa pampublikong paaralan.

1.  Turuan ng Japanese . Hindi lang ang pagsasalita ng Nihongo kundi ang pagsusulat ng HIRAGANA , KATAKANA AT KANJI . Pati na rin ang pagbabasa ng mga ito . Ang pagsusulat , pagbasa at pagsasalita ay dapat na sabay nilang matutuhan.

2.  Gastusan ang pag-aaral ng bata . Bilihan ng mga drill books para sa pagsusulat .May nabibili ditong textbook na Angkop sa level ng anak.

3.  I-enrol ang anak sa mga Japanese conversation schools o di kaya ay sa NIHONGO KYOSHITSU ng mga community centers ng mga siyudad na nasasakupan. May mga Japanese naman na marunong mag english o Pilipino na susuporta sa mga bata.

4.  Ituro ang mga kaugaliang Hapon at kung paano rito nagkakaiba sa kulturang Pilipino para hindi sila ma- culture shock.

 

 

 

★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★


TAGS:


About the author

160