Pagbaba ng yen sa peso

Posted on at


ANG laki na ng binaba ng Yen , kaya doble tipid na at doble kayod lalo na sa mga OFW dito sa Japan. Sa money changer sa Pilipinas , ang exchange rate ay nasa  PhP3,600 per ¥10000 o isang lapad . . Ngunit sa western Union naman, ang palit sa peso ay Php3,593 na lang ngayon , Kasi sa western union ako nagpapadala. 

Dahil dito kailangan na dagdagan ang kita upang makabili ng mga pangunahing pang araw-araw na  pangangailangan gaya ng bigas at ulam , makabayad ng paggamit ng ilaw , kuryente at tubig . Binabayaran din ng bukod ang tumatapon na tubig kasi May bukod na metro ito . Kung hindi madadagdagan ang sweldo o kita sa isang buwan , sapagkat nabawasan pa ang mga buying power natin dahil sa tumaas na CONSUMPTION ( buyers o sales ) TAX from 3% to 5% simula nung Abril,2014 ., malamang na kailangang mag doble tipid o bawasan pa ang mga luho sa katawan .

Simple lang na economics yan ngunit dahil sa " ABECONOMICS " ( economics ni Prime minister Abe ) na dagdagan pa ang income taxes ng Japanese government , Lahat ay maaapektuhan ang financial status .

 

Sa ngayon ay konting tiis muna tayo . ika nga " LIVE WITHIN YOUR MEANS " na siguro'y dapat na maging " LIVE BELOW YOUR MEANS " .  Huwag na magpabonggahan ,  maging simple na lang sa pamumuhay dahil sabi nga ,  " SIMPLE IS BEAUTIFUL " .

 

 

 

 



About the author

160