Pagkakahawig ng Bagong Taon ng Pilipinas at Japan

Posted on at


Ang pagkain ng tikoy ay mayroon din dito sa Japan, Ang TIKOY ay dala ng chinese na mangangalakal sa Pilipinas noong unang panahon.Ang pagkain ng tikoy sa panahon ng bagong taon ay sumisimbolo sa pagkakalapit lapit at pagkakaisa ng mga miyembro ng pamilya. Dito sa Japan,ay tawag sa tikoy ay MOCHI..Iba-iba ang klase at paraan ng pagkain nito.. may inihaw,prito at nilaga.Ang inihaw na MOCHI na sinasawsaw sa toyo at binabalot sa "nori" ay "ISOBEYAKI" ang tawag. karamihan ng mga mochi rito sa Japan ay matabang at  walang lasa at hindi kagaya ng tikoy sa Pilipinas na matamis. Ang paghingi naman ng pera ng mga bata tuwing Bagong taon ay isa parin na pagkakahawig ng tradisyon. Ang mga Chinese muli ang ang nagpauso sa atin.May pulang sobre na may nakasulat na "OKANE" ( お金) Sa Japan ang tawag dito ay OTOSHIDAMA...Kalimitan ang mga lolo at lola ang nagbibigay sa kanilang apo ng pera tuwing Bagong Taon bilang OTOSHIDAMA .



About the author

160