Dito sa Japan ,may publiko at pribadong paaralan din tulad sa Pilipinas. Sa pampublikong eskwelahan dito sa Japan, walang uniporme,kahit anong suot pwede., ang parepareho lang ay ang dala o susuoting UWABAKI na sapatos na kulay puti sa loob ng paaralan at ang kulay Dilaw na sumbrero sa elementarya.Sa pribadong paaralan lang may uniporme .
Tungkol naman sa sistema ng pag aaral o pag gagrado sa Japan , By Letter A B C D ang pagbibigay ng grado,syempre A ang pinakamataas . Sa Pilipinas may by letter at numbers naman diba ? Pero ang ginusto kong sistema nila dito sa Japan ay hindi pinagsasama-sama ang matatalino at pangkaraniwan , ibig sabihin ,dito sa Japan bukod ang section pero hindi ibig sabihin na may section 1,2 3 etc...hindi ganon... walang kinikilingan dito, sama sama sa isang klase o sa bawat section ang matatalino at pangkaraniwan na mag aaral o nasa pinakamababa man ang IQ . .Meaning patas ang tingin sa lahat.
Kaya pagsasapit ang graduation , walang First honor ,Valedictorian ,Salutatorian ,Cum laude etc etc... na inaabot na reward. Diploma lang ang inaabot sa lahat ng magtatapos . Malalaman lang ng mag -aaral ang abilidad nya sa natatanggap na grado sa Card,at sa bawat pagtatapos ng periodical test, ipaaalam lang sa mga magulang one on one na pag - uusap ng guro at magulang ang ginagawang asal o abilidad ng mag -aaral sa klase .
Ito ang isa sa ginusto kong sistema sa Japan , hindi pinararamdam sa mag aaral kung ikaw ay nasa mababang level ng IQ o kung ikaw man ang pinakamatalino , lahat pantay pantay dito sa bawat section . Sama-sama sa isang section o grupo ang matatalino o hindi, at nagtutulungan pa , as walang kumpetensya dito .
Kaya hindi bumaba ang tingin o self - esteem sa sarili ng mga bata o mag - aaral .
Bawal rin dito sa Japan na maging guro mo ang sarili mong magulang kung teacher ito sa eskwelahan . At yan ang pinakagusto ko . Sa Pilipinas kasi meron nyan , at na experienced ko yan . Hindi maganda yang ganyan . Kaya may palakasan na tinatawag o favoritism ,kaya nangyayari , mataas ang grado ng anak ,at minsan valedictorian o salutatorian pa ,kasi guro sya ng sarili nyang anak .. MALI di ba?
Naku humaba na talumpati ko hehe..basta tatapusin ko muna dito mga kaibigan.