Pagoda Cold Wave Lotion

Posted on at


Hindi po ito commercial ng Pagoda Cold Wave Lotion. Teka, alam mo ba kung ano ang Pagoda Cold Wave Lotion? Well, hindi ko din sure dahil wala akong first hand experience sa kanya. Ang alam ko lang eh nung elementary ako madalas siyang i-commercial pag nanonood kami ng brother ko ng WWF. WWF pa ang wrestling noon, hindi pa WWE. 

Yung commercial niya mejo weird kasi late 90's na yun (oo, grade school na ako habang si Rhanz ay hindi pa ata pinapanganak nun haha) pero yung commercial ng Pagoda Cold Wave Lotion pang 80's pa ang dating. May mga babae na naka super heavy makeup at shoulder pads at ang buhok nila ang may bangs na kulot kulot. So I therefore conclude na ang pagoda cold wave lotion ay pampakulot ng bangs. Hahaha. Sabog!

Pero hindi yan ang dahilan kung bakit ganyan ang title ng blog na itey. Pinangalanan kong Pagoda Cold Wave Lotion ang blog na itey kasi sobrang pagoda talaga ako lately. Andami kasing inaasikaso eh. Naawa na nga ako sa mala-luya ko na mga paa kasi nadagdagan nanaman ang collection nila ng kalyo.

Tapos ang traffic traffic pa ditey sa Davao. (Ayan nakita mo na connection ng traffic lights na doodles sa blog na itey.) Well, hindi naman sobrang traffic like EDSA, pero matraffic pa din. Mamaru din kasi itong si Tito Duterte (Haha, feeling close) impose impose ba naman ng sobrang nakakalokang speed limit na 30km/hr lang sa downtown area. 30km/hr! Hong bagal nun!!! 

Pero overall okay naman yan si Duterte. Kasi isa siya sa may dahilan na napaquit ako magyosi. Oo, yosi kadiri ako dati, wag magalala, way before the cutie pies pa naman itey. Ganyan talaga kaming mga GRO, mahilig magyosi habang naghihintay ng costumer. Hahaha. Pero dahil inimpose ni Duterte ang smoking ban sa Davao, nahirapan akong maghanap ng mayoyosihan na lugar, eh tamad pa naman ako kaya naisip ko mas mabuti pang magquit. Bonggels. Mag fo-4 years na din siguro akong hindi nagyoyosi. Oh di ang saya ng lungs ko!

Teka... paano nga pala nauwi dito ang usapan natin? Hay naku, sabog nanaman. Makatulog na nga lang.



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 0
160