pagtitipid sa power! haha wala n maisip iblog...

Posted on at


Ilang paraan upang Makatipid sa Kuryente

1. Patayin lagi ang mga ilaw kung wala namang tao sa silid.

2. Tingnan din ang mga ilaw sa bahay kung ano ang nakatatak na watts (yung numero na may “W” sa tabi). Kung mas mataas ang bilang ng watts, mas malaki ang kunsumo nito ng kuryente. Doon sa mga lugar na hindi naman talaga kailangan ng madaming ilaw, baka gusto mong palitan ng ilaw na mas mababa ang kinukonsumong watts.

3. Ang mga ilaw na LED ay malakas ang sindi ngunit mas konti ang kinakaing kuryente. Kaya lang, medyo may kamahalan din ang mga ito kaya hindi masyadong pinapansin ng mga mamimili. May mga bumbilyang LED na 4 W lang pero ang lakas na ng ilaw. Mas makakatipid ka sa mga ito sa kalaunan kahit mas mahal ang unang pagbili mo.

4. Tanggalin sa pagkakasaksak ang mga plug ng inyong mga gamit. Alam mo ba na kahit hindi ito ginagamit, kumukunsumo pa din yan ng kuryente?

 

 

 

5. Turuan ang mga bata na magtipid sa kuryente.

6. May mga TV ba sa bawat silid ng inyong bahay? Kung puede naman kayong manood lahat sa sala, gawin yan – madalas na magkatulad lang naman ang inyong mga pinapanood.

7. Buksan ang mga bintana upang pumasok ang hangin. Mainam din yan upang lumabas ang mainit na hangin sa loob.

8. Maari din maglagay ng mga tanim malapit sa bintana dahil nakatutulong ang mga ito sa pagpapalamig sa hangin.

9. Kapag gumagamit ng washing machine at dryer, siguraduhing puno ang mga ito bago paandarin.

10. Maghanap ng paraan upang pagsabayin ang pagluluto ng iba’t ibang pagkain. Halimbawa, maaari mo naman pagsabayin ang cake tsaka isa or dalawang batch ng cupcake kapag malaki iyong oven.

11. Kung may aircon o balak bumili ng aircon, bilhin mo ung may timer. Kadalasan, malamig na sa madaling araw. Lagi din linisin ang aircon at palitan ang filter.

 

 

 



160